COVID tests sa mga college athletes hindi na mandatory
- Published on October 31, 2020
- by @peoplesbalita
HINDI na mandatory na sumailalim sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing ang mga atletang estudyante kapag nagdesisyon ang mga higher educational institution (HEI) ng kanilang training.
Ito ang naging pahayag ng technical working group na binubuo ng Commission on Higher Education (CHEd), Philippine Sports Commission, Games and Amusement Board at Department of Health.
Ang nasabing desisyon ay base na rin sa isinagawang konsultasyon sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at National Collegiate Athletic Association (NCAA).
Sinabi ni DOH health promotion policy head Rodley Carza na nasa HEI na kung magpapatupad sila ng COVID-19 testing.
Kabilang sa guidelines na isinama ay ang pagkakaroon ng bubble type sa mga campus at ang pagpatupad ng health measures sa mga training facilities.
Paglilinaw pa nila na hindi pa pinapayagan ang exhibition at kumpetisyon at tanging training lamang ang papayagan.
-
Jerson Cabiltes bagong head coach ng Emilio Aguinaldo College Generals
NAKATAKDA nang dalhin ni Jerson Cabiltes ang kanyang coaching skills sa collegiate ranks. Ito ay matapos siyang hirangin bilang bagong head coach ng Emilio Aguinaldo College Generals sa NCAA men’s basketball kapalit ni Oliver Bunyi. Ang appointment kay Cabiltes ay dumating ilang linggo matapos lumutang ang kanyang pangalan sa bakanteng De La Salle […]
-
TNT sa bingit ng nawawalang playoffs sa unang pagkakataon sa loob ng apat na taon
Naghukay ang TNT ng mas malalim na butas sa nanginginig nitong kampanya sa PBA Commissioner’s Cup. Kasunod ng 140-108 kabiguan na dinanas nila sa mga kamay ng mga lider ng Bay Area Dragons, ang Tropang Giga ay nahaharap sa mabigat na gawain na kailangang manalo sa kanilang huling laro sa eliminations at umaasa na […]
-
Andi, pinasilip na ang ‘bump’ ng second baby nila ni Philmar
SA latest Instagram post ni Andi Eigenmann, pinakita na niya ang baby bump ng second baby nila ng partner na si Philmar Alipayo. Nasa ika-23rd week na ng kanyang pagbubuntis si Andi. Sinabi nito na dahil sa quarantine, hindi raw niya masyadong ma-celebrate ang pagiging pregnant niya ulit dahil sa maraming restrictions at malayo […]