CPP-NPA-NDF, nasa likod ng Tinang incident
- Published on June 17, 2022
- by @peoplesbalita
ITINUTURONG “mastermind” ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) sa nangyaring gulo sa pinag-aawayang lupain sa Hacienda Tinang sa Concepcion, Tarlac noong Hunyo 9.
Ito ang isiniwalat ng mga dating miyembro ng Communist Terrorist Groups (CTGs) sa isinagawang special virtual press briefing ng National Task Force to End Local Communists Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Sinabi ni Christopher Garcia, dating kilala bilang “Ka Warly”, ngayon ay board member ng Sambayanang Gitnang Luzon, na ang CTGs ang nagpasimula ng “Bungkalan” mobilization campaign sa Hacienda Tinang kung saan ang mga rebeldeng komunista ay kumikilos sa pinag-aawayang agricultural lands sa bansa kabilang na ang Hacienda Luisita.
“Ito ay pagpapalawak din ng baseng-masa at balikan ang mga lugar na dati nilang hawak. Alam namin yun dahil naranasan namin yan,” ayon kay Garcia, tinutukoy ang pagsisikap ng CTG’s na mabawi ang kanilang dating pugad mula sa puwersa ng gobyerno.
Idinagdag pa nito, ang Tinang incident ay ‘starting point’ ng CTG’s para gumawa ng gulo para sa incoming administration.
“Ayaw nilang maupo si BBM,” ayon kay Ka Pong Sibayan, isa pang dating miyembro ng CTG.
Idinagdag pa niya na ginagamit ng CTGs ang “bungkalan” mobilization para sa pagre-recruit at radikalisasyon sa mga kabataan at makakalap ng foreign funding.
“Negosyo nila (CTG) yan. Binubulsa naman ng mga lider ang nakokolektang pondo at hindi napupunta sa mga magsasaka,” ayon kay Sibayan.
Kapwa inakusahan din ng mga ito sina Renato Reyes ng Bayan Muna, Pia Montalban at Joyce Ann Nepomuceno ng Karapatan, bilang “urban operatives” ng CPP-NPA-NDF, di umano’y kilala para sa paggawa at pagpapakalat ng maling impormasyon at pagkabalisa.
“Hihimukin ang mga magsasaka hanggang June 30,” Ka Warly.
Sinabi pa nito na may kahalintulad na kampanya ang inihahanda sa Hacienda Murcia malapit sa Hacienda Tinang, at sa Barangay Central malapit Hacienda Luisita ng mga miyembro ng iba pang CTG-affiliated group gaya ng “Anak Pawis” at Unyon ng Manggagawang Agrikultura (UMA) para mas lalo pang sulsulan ang mga kabataan at magsasaka.
“Gusto nilang pag-away-awayin ang mga magsasaka para magulo ang bagong administrasyon,” ayon kay Ka Warly. (Daris Jose)
-
Tulong ng DSWD sa mga apektadong pamilya ng bagyong ‘Odette’, pumalo na sa mahigit P1.4-B
PUMALO na sa mahigit P1.4 bilyong halaga ng tulong/ ayuda ang ipinalabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga pamilya at indibidwal na apektado ng bagyong Odette. Sinabi ni DSWD Secretary Rolando Bautista, nakatuon kasi ang pansin ng departamento na tiyakin na “food is available” para sa mga biktima […]
-
4 na kasunduan nilagdaan ng Pinas at Indonesia
APAT na kasunduan sa ekonomiya, kultura, at depensa ang nilagdaan sa pagitan ng gobyerno ng Pilipinas at Indonesia sa unang state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa nasabing bansa. Ang apat na kasunduan ay iniharap kina Marcos at Indonesian President Joko Widodo sa Istana Bogor kung saan kapwa sila nagbigay ng […]
-
‘Customers na mababa ang konsumo hanggang Dec. 31, ‘di pwedeng putulan ng kuryente’ – ERC
INATASAN ng Energy Regulatory Commission ang mga distribution utilities tulad ng Meralco na huwag munang putulan ng kuryente ang mga customer na mababa ang naging konsumo hanggang December 31, 2020. “Distribution Utilities (DUs) are directed NOT to implement any disconnection on account of non-payment of bills until December 31, 2020 for consumers with monthly […]