• March 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Crane operator, 2 pa timbog sa P136K shabu sa Valenzuela

NASAMSAM sa tatlong hinihinalang drug personalties, kabilang ang isang crane operator ang mahigit P.1 milyon halaga ng shabu matapos malambat sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.

 

 

Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, ang naarestong mga suspek bilang si Ariel Ibañez alyas “Arjay”, 34, Jose Dasigan alyas “Duds”, 46, crane operator, kapwa ng Brgy. Ugong at Jose Garry Pre, 50, carpenter ng Novalichez Quezon City.

 

 

Ayon kay Col. Destura, dakong alas-3:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo ng buy bust operation sa No. 5175 Maya St., Ugong kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon ng P500 halaga ng shabu kay Ibañez.

 

 

Matapos tanggapin ang marked money mula sa police poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad dinamba ng mga operatiba si Ibañez, kasama ang kasabwat nitong si Dasigan at si Pre na nakuhanan naman ng isangsachet ng hinihinalang shabu.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 20 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P136,000, buy bust money, P600 recovered money at dalawang cellphones.

 

 

Ani PCpl Christopher Quiao, nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Other News
  • Bayanihan muna, huwag bangayan sa usapin ng community pantry

    BAYANIHAN muna, huwag bangayan.   Ito ang pakiusap ng Malakanyang sa mga kritiko at nagsasabing nagagamit ang community pantry para pangtakip sa kabagalan ng pagkilos ng pamahalaan na magbigay ng tulong sa patuloy na apektado ng pandemya.   “Well, alam ninyo po yang community pantry, that showcase the best in the Filipino character po. Iyan […]

  • VP Duterte, muling hinikayat na humarap sa NBI, at iba pang imbestigasyon

    MULING nanawagan ang isang mambabatas kay Vice President Sara Duterte na harapin ang ginagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) at iba pang ahensiya kaugnay sa umanoy death threat laban kay Presidente Marcos.       Ang panawagan ay ginawa ni Rep. Ramon Rodrigo Gutierrez ng 1-Rider Partylist matapos na hindi dumalo ang VP […]

  • ‘Di na gagamitin ang ‘Wowowin’ sa pagbabalik-TV: WILLIE, nangako na handang magbigay ng tulong sa TV5

    KUMPIRMADO na rin ang pagbabalik telebisyon at pumirma na ng kontrata si Willie Revillame sa Kapatid Network at Media Quest Ventures para sa bagong partnership. Ginanap ang naturang pagpirma ni Willie last  noong April 26 kung saan present ang mga bosing ng TV5 kasama sina presidente ng Media Quest Holdings and Cignal TV na si […]