• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cray sasalang sa 9-track competitions

Siyam na track and field competitions ang nakatakdang lahukan ni Fil-American trackster Eric Cray sa hangaring makakuha ng tiket para sa 2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

 

 

Layunin ng six-time Southeast Asian Games gold medalist na makuha ang Olympic standard na 48.90 segundo sa men’s 400-meter hurdles.

 

 

Kasama sa mga torneong lalahukan ni Cray para makaabot sa nasabing Olympic standard ay ang Don Kirby Tailwind Open sa Abril 22 sa New Mexico, ang Drake Relays sa Abril 24 sa Iowa at ang Texas Meet sa Abril 30.

 

 

Kamakailan ay nagtakbo ang 32-anyos na tubong Olongapo City na si Cray ng bronze medal sa kanyang inilistang 51.06 segundo sa 2021 Michael Johnson Invitational sa Clyde Hart Track and Field Stadium ng Baylor University sa Waco, Texas.

 

 

Aminado si Cray na malaki pa ang kanyang agwat para makasikwat ng ticket sa 2021 Tokyo Olympics na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

 

 

Sa susunod na buwan ay lalahok si Cray sa apat na athletics event para mapaganda ang kanyang oras.

 

 

Hangad ni Cray na maging pang-walong Pinoy Olympic qualifier matapos sina weightlifter Hidilyn Diaz, gymnast Carlos Edriel Yulo, pole vaulter Ernest John Obiena at boxers Eumir Felix Marcial, Irish Magno, Nesthy Petecio at Carlo Paalam.

 

 

Bukod kay Cray, tumatarget din ng Olympic slot sina Fil-Am sprinter Kristina Knott at pole vaulter Natalie Uy.

Other News
  • GARY, first time voter pa lang sa May 2022 national election dahil dating American citizen

    FIRST time voter si Mr. Pure Energy Gary Valenciano this coming May 9 elections.     May mga nabasa kaming comment asking kung bakit ngayon lang boboto si Gary.     So we asked his wife Angeli P. Valenciano why is he voting only now?     Ito ang sagot niya, “It was because he […]

  • WNBL, NBL mga propesyonal na

    KAPWA mga propesyonal na liga na ang Women’s National Basketball League (WNBL) at National Basketball League (NBL) nang bendisyunan ng Games and Amusement Board (GAB) nitong Miyerkoles.   Dahil rito, ang WNBL ang magiging unang women’s pro basketball league sa bansa, naunahan pa ang matagal nang plano ng Philippine Basketball Association (PBA).   Nasa pitong […]

  • PNP chief ipinagbawal na rin ang Christmas party pero may cash gifts sa mga police personnel

    WALA nang Christmas Party sa Philippine National Police (PNP).   Ito ang binigyang-diin ni PNP chief, Gen. Camilo Pancratius Cascolan kasunod ng hiling ng Metro Manila Council sa iba’t ibang pribadong kompaniya na wala munang Christmas party upang makaiwas sa COVID-19.   Sinabi ni Cascolan, maiintidihan naman ito ng mga police personnel kung wala munang […]