• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Crime rate bumaba ng 73.76%

BUMABA na sa 73.76% ang mga naitatalang krimen sa bansa simula Hulyo 2016, kung kailan nagsimulang manungkulan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

 

Sa lingguhang Talk to the People ni Pang. Duterte nitong Lunes ng gabi, sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na mula sa 131,699 crime index sa bansa ay nasa 34,552 na lamang ito noong 2021.

 

 

Sinabi ni Año na ito’y bunga na rin ng mga episyenteng programa ng administrasyong Duterte laban sa lahat ng uri ng kriminalidad.

 

 

Tinukoy ng kalihim ang crime index bilang lawbreaking offenses na ikinukonsidera bilang ‘serious in nature’ gaya ng murder, homicide, rape, robbery, carnapping, physical injuries at walong iba pang special complex crimes, bilang halimbawa.

 

 

Anang DILG chief, kumpara sa 374,277 crime incidents noong 2020, ang numero ay bumaba sa 360,573 noong 2021 o 3.66% pagbaba.

 

 

Pagdating sa peace and order, mayroon ding malaking pagbaba sa index crimes at non-index crimes na mula 377,766 incidents noong 2016 ay naging 211,237 noong 2021.

 

 

Binigyang-diin ni Año na nangangahulugan ito na nararamdaman ng publiko ang pagganda ng peace and order situation ngayon, dahil mas naging kumpiyansa na sila sa kakayahan ng pamahalaan na protektahan sila laban sa mga lawless elements.

Other News
  • PVL schedule inilabas na

    INILABAS na ng Premier Volleyball League (PVL) ang schedule nito para sa Open Conference na papalo sa Marso 16 sa Paco Arena sa Maynila.     Sa opening day, u­nang masisilayan ang salpukan ng Champions League titlist F2 Logistics at Philippine Army sa alas-3 ng hapon na susundan ng bakbakan ng reigning Open Confe­rence champion […]

  • Ilang health expert, may paalala sa mga may high blood at sakit sa puso na nagnanais na makatanggap ng bakuna kontra Covid-19

    PINAALALAHANAN ni Philippine Heart Association at Cardiologist Dr. Orly Bugarin ang mga mamamayang Filipino na may akit sa puso at high blood na nais magpaturok ng Covid-19 vaccine.   Sa Laging Handa briefing ay sinabi ni Bugarin na hindi ipinagbabawal sa kanila ang tumanggap ng bakuna subalit kailangan aniya na siguraduhin ng mga ito na […]

  • PBBM, hangad na makapagpatayo ng mas maraming barangay health centers

    HANGAD ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makapagpatayo pa ng mas maraming health centers sa  mga rural area.     Inihayag ng Pangulo ang plano niyang ito habang nagsasagawa ng pag-inspeksyon sa disenyo ng pasilidad na tinawag na “Clark Multi-Specialty Medical Center” sa Pampanga.     Layon ng proyekto na magdala ng specialized healthcare sa […]