• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

“Critical collaboration”, mahalaga sa Simbahan at estado

Iginiit ng opisyal ng Radio Veritas 846 at Caritas Manila na mahalagang magtulungan ang pamahalaan at simbahan sa kabila ng pag-iral ng ‘separation of church and state’ sa Saligang Batas.

 

Ayon kay Rev. Fr. Anton CT Pascual, pangulo ng Radio Veritas at Executive Director ng social arm ng Archdiocese of Manila, nararapat lamang na may ugnayan ang simbahan sa pamahalaan sapagkat kapwa ito naglilingkod para sa ikabubuti ng nakararami.

 

“There should be collaboration always and dialogue. Church relationship with State is what we call CRITICAL COLLABORATION!,” pahayag ni Fr. Pascual sa Radio Veritas.

 

Ito ang tugon ng pari sa pahayag ni Presidential Chief legal counsel Salvador Panelo kung saan sinabing labag sa konstitusyon ang pagpuna ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa pamahalaan.

 

Tinukoy ni Panelo ang liham pastoral ng CBCP na nananawagan ng pananalangin at pagiging mapagmatyag ng publiko sa pagpapatupad ng kontrobersyal na Anti-Terrorism Law of 2020 sa kabila ng kawalan ng Implementing Rules and Regulations.

 

Ipinaliwanag ni Fr. Pascual na totoong may pagkakaiba ang simbahan at estado sa larangan at konteksto ng organisasyon at pamumuno ngunit sa usapin ng paglilingkod para sa kabutihang panlahat ay dapat nagtutulungan ang dalawang institusyon.

 

“Sec. Panelo said there is separation of church and state daw. That’s true is the context of: Organization? Yes; Leadership? Yes; Resources? Yes; but no separation in the context of: People that we BOTH serve especially the POOR; Common Good, & Environment,” dagdag pa ni Fr. Pascual.

 

Unang hinamon ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo si Panelo na maghain ng reklamo laban sa CBCP kung tunay itong nakalalabag sa konstitusyon.

 

Sinabi ni Bishop Pabillo na ang pagsasalita at pakikibahagi ng simbahan sa usaping panlipunan ay naglalayong gabayan ang mamamayan upang makita ang mga pangyayari sa maka-Kristiyanong pananaw.

Other News
  • Tiangco brothers nagbigay ng ayuda sa mga nasunugan sa Navotas

    TINATAYANG nasa pitong pamilya ang nawala ng tahanan matapos sumiklab ang isang sunog sa Navotas City.     Nabatid na sumiklab ang sunog sa mga kabahayan sa A. Santiago St. Brgy. Sipac at mabilis na kumalat apoy kaya kaagad rumesponde sa lugar ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at mga fire volunteer […]

  • Ads January 5, 2024

  • Import at export ng mga produkto ng Unilever sa Russia, suspendido na rin

    SINUSPINDE na rin ng kumpanyang Unilever ang lahat ng import at export ng mga produkto nito sa Russia.     Ito ay bilang pakikiisa ng nasabing food and consumer giant sa panawagang tuldukan na ang kaguluhan sa pagitan ng Russia at Ukraine, kasabay ng pag-asa nito na mananaig pa rin sa huli ang kapayapaan, karapatang […]