• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CTSI Eagle Ridge Ladies Championship kinansela

KANSELADO ang International Container Terminal Services Incorporated (ICTSI) Eagle Ridge Golf and Country Club Ladies Championship, na nakatakda sanang mag-umpisa nitong Martes, Marso 23 sa Norman course sa General Trias, Cavite bunsod sa pagtaas ng Covid-19 sa bansa, lalo na sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

 

 

Ipinahayag ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) nitong Linggo, Mar. 21, na ibinalik sa General Community Quarantine (GCQ) ang mga lugar dahil sa pagsirit ng pandemya  sa mga nakalipas na ilang lingo.

 

 

Ang hakbang ng pamahalaan ang humimok sa Pilipinas Golf Tournaments Inc. (PGTI) na ipagpaliban muna ang ikalawang yugto ng Ladies Philippine Golf Tour (LPGT) 2021, isang tatlong araw na paluan na aabutin dapat ng Huwebes, Mar. 25.

 

 

“In line with the new IATF Resolution, Cavite shall be placed under GCQ from March 22-April 4, 2021. For the safety and protection of our players and employees, the ICTSI Eagle Ridge Ladies Championship will be cancelled until further notice,” ayon sa PGTI. (REC)

Other News
  • Pagsisimula ng FIFA World Cup napaaga

    INIURONG ng mga organizers ng men’s 2022 FIFA World sa Qatar ang araw ng pagsisimula nito.     Imbes kasi na sa Nobyembre 21 ay ginawa na lamang ito sa Nobyembre 20.     Ito ay para payagan ang paglalaro ng host nation na Qatar laban sa Ecuador sa unang.     Ang nasabing desisyon […]

  • Metro Manila mayors humirit na rin ng Alert Level 4

    DAPAT paghandaan na ang posibilidad na maitaas sa Alert Level 4 ang Metro Manila sa susunod na mga araw, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).     Sinabi kahapon ni Atty. Crisanto Saruca, head ng Metro Manila Council Secretariat, na posibleng maglabas ng resolusyon hinggil sa pagsasailalim sa  Alert Level 4.     “….magkakaroon […]

  • Sotto No. 79 na sa mock draft

    NASA No. 79 spot na si Kai Sotto sa inilabas na mock draft ng isang basketball website para sa 2022 edisyon ng NBA Rookie Draft na gaganapin sa Hunyo 23 sa Brooklyn, New York.     Ayon sa NBA Draft Room, malaki ang improvement ng 7-foot-3 Pinoy cager sapul nang maglaro ito sa iba’t ibang […]