• May 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CTSI Eagle Ridge Ladies Championship kinansela

KANSELADO ang International Container Terminal Services Incorporated (ICTSI) Eagle Ridge Golf and Country Club Ladies Championship, na nakatakda sanang mag-umpisa nitong Martes, Marso 23 sa Norman course sa General Trias, Cavite bunsod sa pagtaas ng Covid-19 sa bansa, lalo na sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.

 

 

Ipinahayag ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) nitong Linggo, Mar. 21, na ibinalik sa General Community Quarantine (GCQ) ang mga lugar dahil sa pagsirit ng pandemya  sa mga nakalipas na ilang lingo.

 

 

Ang hakbang ng pamahalaan ang humimok sa Pilipinas Golf Tournaments Inc. (PGTI) na ipagpaliban muna ang ikalawang yugto ng Ladies Philippine Golf Tour (LPGT) 2021, isang tatlong araw na paluan na aabutin dapat ng Huwebes, Mar. 25.

 

 

“In line with the new IATF Resolution, Cavite shall be placed under GCQ from March 22-April 4, 2021. For the safety and protection of our players and employees, the ICTSI Eagle Ridge Ladies Championship will be cancelled until further notice,” ayon sa PGTI. (REC)

Other News
  • BARBIE, natanggap na rin ang ‘Gold Play Button’ dahil sa higit isang milyong subscribers sa YouTube

    NATANGGAP na ni Barbie Forteza ang Gold Play Button niya mula sa YouTube dahil mahigit na 1 million na ang subscribers niya.     Para kay Barbie, isang internet milestone ito dahil nagkaroon siya ng isang milyong subscribers para panoorin siya sa kanyang mga videos na nagsimula lang bilang pampalipas oras niya.     “Nakakataba […]

  • Ads July 6, 2022

  • Osaka pasok na sa 2nd round ng French Open

    Pasok na sa ikalawang round ng French Open si Naomi Osaka.     Tinalo kasi nito si world number 63 Patricia Maria Tig ng Romania sa score na 6-4, 7-6 (7/4).     Magugunitang bago magsimula ang torneo ay sinabi ng Japanese tennis star na hindi ito magbibigay ng anumang pahayag pagkatapos ng laro dahil […]