Cultural fashion show sa Caloocan, pinangunahan ni first Lady Malapitan
- Published on September 24, 2024
- by @peoplesbalita
ISINAGAWA ng Caloocan Cultural Affairs and Tourism Council (CATC) sa pangunguna ni Caloocan First Lady at CATC Chairperson Audrey Malapitan ang ikalawang cultural fashion show, Runway Caloocan 2024, kasabay ng pagdiriwang ng Tourism Month kung saan limang sumisikat na fashion icons ang naglaban-laban para sa titulo ng nangungunang local designer.
Ang event ay ginanap sa Caloocan City Sports Complex at bukas ito sa publiko nang walang bayad kung saan itinampok ang kilalang mga fashion gurus na sina Ehrran Montoya, Maxie Andreison, at Mike Lim bilang panel expert judges.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitab sa mga kalahok sa pagpapakita ng talento at pagkamalikhain ng mga mamamayan ng Caloocan at nangakong patuloy na susuporta sa mga proyektong magdadala ng halaga ng kasaysayan, kultura at turismo ng lokal na kabuhayan ay trabaho.
“Sa ating mga kalahok, kayo ang patunay ng natatanging talento at pagka-malikhain ng lahat ng Batang Kankaloo. Sana may ma-inspire niyo pa ang mga kabataan na sumunod sa inyong yapak, sa pagsisikap na maabot ang inyong mga pangarap,” ani Mayor Along.
“Asahan niyo po na patuloy na kumikilos ang ating administrasyon upang pahalagahan ang kasaysayan at kultura ng lungsod habang pinalalakas din ang turismo at kabuhayan para sa ating mga kababayan,” dagdag niya.
Binigyang-diin naman ni Caloocan First Lady at CATC Chairperson Audrey Malapitan ang kahalagahan ng mga fashion na nilikha ng mga kalahok sa pagdadala ng kamalayan sa kultura at kasaysayan sa general public, lalo na sa mga kabataan.
“Hindi lamang kinang, kulay, at ganda ang ating nasaksihan. Ang bawat kasuotang ito ang nagkwe-kwento ng ating kasaysayan na isinalin-salin sa bawat henerasyon at patuloy na bumubuhay sa ating pusong makabayan,” pahayag ni Ms. Malapitan.
Nasungkit nina Mr. Reyjie Enriquez at Ms. Danica Sayo ang Best Male at Female Model award, respectively, habang si Mr. Paulo Delos Santos mula sa Barangay 178 ay idineklara bilang Best Designer ngayong taon. (Richard Mesa)
-
Ads June 20, 2022
-
‘Wonder Woman 3’ Could Still Happen With Gal Gadot Even Without Patty Jenkins
WARNER Bros. and DC Studios reportedly still want to make Wonder Woman 3 with Gal Gadot as the star, even if director Patty Jenkins does not return. The Wonder Woman movie franchise began as the crown jewel of the DC Universe, as the first movie released in 2017 earned critical acclaim and surpassed […]
-
Clarkson mainit sa panalo ng Jazz
NAGPASABOG si Fil-American guard Jordan Clarkson ng career-high 45 points para tulungan ang Utah Jazz sa 134-125 pagligwak sa Sacramento Kings. Kumonekta si Clarkson ng pitong triples at may perpektong 8-of-8 shooting sa free throw line para sa Jazz (42-25) na nanatili sa No. 4 spot sa Western Conference. Nag-ambag si […]