• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Curry muling bumida sa Warriors

Kapwa nakabangon sa kani-kanilang kabiguan ang league-leading Golden State Warriors, Utah Jazz at Los Angeles Clippers matapos talunin ang kani-kanilang kalaban.

 

 

Sa New York, nagsalpak si Stephen Curry ng 37 points tampok ang season best na siyam na three-point shots sa 117-99 pagdaig ng Warriors (12-2) sa Brooklyn Nets (10-5).

 

 

May 2,900 career 3-pointers si Curry ngayon para dumikit kay Ray Allen na may NBA record na 2,973 triples.

 

 

Nagmula ang Golden State sa kabiguan sa Charlotte Hornets noong Linggo na pumigil sa kanilang se­ven-game winning streak.

 

 

Nag-ambag si Andrew Wiggins ng 19 points.

 

 

Tumipa si James Har­den ng 24 points para sa Nets kasunod ang 19 markers ni Kevin Durant.

 

 

Sa Salt Lake City, nag­hulog si Bojan Bogdanovic ng season-high 27 points para igiya ang Jazz (9-5) sa 120-85 pagpapatumba sa Philadelphia 76ers (8-7).

 

 

Nagtala si Fil-Am guard Jordan Clarkson ng 20 points para sa Utah.

 

 

May 18 points si Shake Milton  sa panig ng 76ers na nahulog sa kanilang pang-limang dikit na kamalasan.

 

 

Sa Los Angeles, humataw si Paul George ng 34 points para pangunahan ang Clippers (9-5) sa 106-92 paggupo sa San Antonio Spurs (4-10).

Other News
  • Locsin, ipinag-utos na ang paghahain ng diplomatic protests laban sa patuloy na panghihimasok ng China sa EEZ ng Pinas

    IPINAG-UTOS na ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., araw ng Huwebes, Setyembre 30, sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang paghahain ng diplomatic protests laban sa China dahil sa patuloy na presensiya nito at ng iba pang mga aktibidad sa West Philippine Sea.   Ang kautusan na ito ni Locsin ay isinapubliko sa pamamagitan […]

  • Spoelstra gagawing consultant ng Gilas

    TARGET ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) na makuha ang serbisyo ni NBA champion coach Erik Spoelstra ng Miami Heat upang ma­ging consultant ng Gilas Pilipinas.     Paghahandaan ng Gilas Pilipinas ang pagsabak nito sa FIBA World Cup sa susunod na taon na magkakatuwang na iho-host ng Pilipinas, Japan at Indonesia.     Kaya […]

  • DINGDONG at MARIAN, naging tahimik lang sa halos dalawang linggong pakikipaglaban sa COVID-19

    TALAGANG nanahimik lang ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa loob ng halos dalawang linggo na sila pala ay tinamaan din at nag-positibo sa COVID-19.     Tila buong household nina Dingdong at Marian ang nag-positive. Pero nang makausap namin si Dingdong at kamustahin, lalo na ang dalawang anak nila na sina Zia at […]