• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cusi, gustong madaliin ang implementasyon ng strategic oil reserve plan- Abad

NAGBIGAY na ng kanyang marching order si Department of Energy (DoE) Secretary Alfonso Cusi na madaliin ang implementasyon ng strategic petroleum reserve plan ng departamento.

 

 

Ito ang oil buffer stock ng pamahalaan na magpapagaan sa epekto ng pagtaas ng presyo sa domestic market.

 

 

Sinabi ni DOE-Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad, tinalakay na ni Cusi ang strategic petroleum reserve plan sa isinagawang emergency meeting kasama ang mga kompanya ng langis.

 

 

“Napag-usapan ang strategic petroleum reserve. Pinapamadali na ‘yan ni Secretary [Cusi],” ayon kay Abad.

 

 

Ani Abad, ang strategic petroleum reserve plan ay ipatutupad ng dalawang bahagi; ito ay ang short-term at long-term.

 

 

Aniya, sa ilalim ng short-term plan, pauupahan ng pamahalaan ang available space capacity mula sa umiiral na storage tank ng mga oil companies.

 

 

Kokontratahin naman ng pamahalaan ang isang kompanya ng langis na hahawak ng orders nito para sa buffer stocking.

 

 

“The long-term plan is for the PNOC [Philippine National Oil Company] to build its own storage tank,” ayon kay Abad.

 

 

Nauna rito, inulit ni Cusi ang plano ng DoE na magtatag ng strategic petroleum inventory ang bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng domestic petroleum prices mula nang magsimula ang taon bunsod ng supply disruptions at maging ng nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Ukraine at Russia.

 

 

“strategic oil reserves of the government, once triggered, will be released to the public at a much lower price than the market’s actual price since the government does not aim to profit from its sale,” ayon kay Abad.

 

 

Samantala, pinamamadali ni Camarines Sur Representative LRay Villafuerte sa Department of Energy (DOE) ang pagtatatag ng isang national strategic petroleum reserve (SPR).

 

 

Bunsod na rin ito ng pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo sa world market dahil sa Russia-Ukraine crisis.

 

 

Dismayado si Villafuerte, na sa loob ng dalawang taon ay puro plano lamang para sa SPR ang binabanggit ng DOE kaysa mag-umpisa sa pagbuo nito.

 

 

Tinukoy pa nito na sa press briefing ng DOE kamakailan, ay nagsasagawa pa rin ng feasibility study ang Philippine National Oil Company (PNOC) para dito.

 

 

“Our energy officials should start working triple time on the long-planned establishment of a national fuel reserve, more so now when the full-blown Russia-Ukraine conflict has raised fears that the global cost of oil could go up to as high as $120 per barrel in the days or weeks ahead,” ani Villafuerte.

 

 

Dagdag pa ng mambabatas, na kung noon pa naitatag ang oil reserve ay hindi magkakaroon o hindi gaano maaapektuhan ang bansa pagdating sa fuel supply at pricing. (Daris Jose)

Other News
  • Nets forward Durant minultahan ng $15-K dahil sa pagmumura

    PINATAWAN ng $15,000 na multa ng NBA si Brooklyn Nets star forward Kevin Durant dahil sa pagmumura matapos ang paglalaro.     Nakapagmura kasi si Durant ng talunin ng Portland Trailblazers ang Nets 114-108 nitong nakaraang Martes.     Hindi rin nito na-satisfy ang NBA security review requirement.     Ang 33-anyos na American forward […]

  • NAVOTAS NAKAKUHA NG TOP MARK MULA SA COA

    SA anim na mgkakasunod na taon, nakamit ng Pamamahalang Lungsod ng Navotas ang pinakamaatas na audit rating mula sa Commission on Audit (COA).     Ibinigay ng COA ang “unmodified opinion” sa presentation ng lungsod 2020 ng financial statements.     Ang Navotas ay nakatanggap ng parehong rating mula pa noong 2016, ang nag-iisang lokal […]

  • Japanese Energy firm, tiniyak ang suporta sa polisiya ni PBBM ukol sa renewable power

    TINIYAK ng isang Japanese power generation company sa  Philippine government  ang stable supply ng  liquefied natural gas (LNG) para suportahan ang economic growth ng bansa.     Sinabi ni JERA Co. Inc. presidente ng Satoshi Onoda kay Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. na ang kompanya ay nakikipagtulungan sa Aboitiz group, tumayong kinatawan si  Sabin Aboitiz, […]