• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Customs nagsampa ng reklamo vs ‘pag-aabandona’ sa 7,000 Balikbayan boxes

NAGSAMPA na ng reklamong kriminal ang Bureau of Customs (BOC) laban sa ilang consolidators at deconsolidators na nag-abandona raw sa mahigit 7,000 padala ng overseas Filipino workers bago ang Pasko.
Ibinahagi ito ng Customs, Miyerkules, sa isang pahayag na ipinaskil sa kanilang opisyal na Facebook page.
Ilan sa mga consolidators at deconsolidators na humaharap sa kasong kriminal ay ang sumusunod:
All Win Cargo LLC
Island Kabayan Express Cargo LLC
Carlos Martin Guinto Co.
GM Multi Services
Anhar Al Mawalah Trading
CMG Int’l Movers and Cargo Services
Cargoflex Haulers Corp.
FBV Forwarders and Logistics, Inc.
Etmar Int’l Logistics.
Ang pangalan ng mga nabanggit ay nanggaling mula sa datos ng BOC at sa mga natatanggap nilang reklamo mula sa mga OFWs.
“Para sa ating mga kababayang OFW na naging biktima ng mga nasabing kumpanya, maaari kayong makipag-ugnayan sa BOC para patibayin ang mga kaso laban sa mga nasabing mapagsamantalang consolidators at deconsolidators,” sabi ng kawanihan.
“Maaaring mag-email sa batas@customs.gov.ph, ilagay ang [BALIKBAYAN BOXES] bilang email subject, at ibigay ang inyong contact details para sa mas mabilis na pakikipag ugnayan.”
Pinaaalalahanan ng gobyerno ang lahat ng manggagawang Pilipino abroad na mag-ingat sa pagpili ng forwarding companies na gagamitin sa pagpapadala ng Balikbayan boxes, na siyang inaabangan nang maraming pamilyang Pinoy ngayong holiday season.
Ayon sa taya ng Philippine Statistics Authority na inilabas nitong Marso, aabot na sa 1.77 milyon ang OFWs ang nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang magtrabaho noong 2020.
Maaaring tumawag sa hotline na (02) 8705-6000 para sa mga detalye at katanungan. (Daris Jose)
Other News
  • Na may pag-asang pagkakaisa sa kabila ng mga hamon: ‘Women’s Month’ celebration sumipa na- CHR

    SUMIPA na noong Marso 1 ang “Purple Action Day” ng Commission on Human Rights (CHR), pagbubukas ng “Women’s Month” para ngayong taon na may mensahe ng pag-asa at pagkakaisa para sa mga kababaihan at women leaders lalo na ngayong nalalapit na ang halalan sa bansa.     Ang tema para sa pagdiriwang ngayong taon ay […]

  • Ads August 9, 2022

  • Obiena nakatutok sa mga sasalihang torneo

    HABANG napirmahan na ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang Mediation Agreement ng Philippine Sports Commission (PSC) ay tila hindi pa ito iniisip ni national pole vaulter Ernest John Obiena.     Sa panayam ng Radyo Katipunan 87.9 ay hindi sinabi ng Tokyo Olympics campaigner kung kailan niya lalagdaan ang nasabing kasunduan na […]