PDuterte, nais na masampahan ng patung-patong na kaso ang mga kurakot na opisyal ng Philhealth
- Published on September 28, 2020
- by @peoplesbalita
DESIDIDO si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na sampahan ng patung-patong na kaso ang mga kurakot na opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Kaya nga, independent o hiwalay ang Ombudsman sa binuong Task Force Philhealth ng Malakanyang na nagsasagawa rin ng imbestigasyon sa talamak na anomalya sa ahensya.
Ayon kay presidential spokesper- son Harry Roque, ginagalang ni Pangulong Duterte ang hiwalay na imbestigasyon na ikinasa kapwa ng dalawang investigating body na ito.
Pahayag ni Sec. Roque, parehong tinututukan ng Malakanyang ang magkahiwalay na imbestigasyon ng ombudsman at task force lalo na’t nais ng pangulo na mas marami o patung-patong pa na mga kaso ang maisasampa laban sa mga ranking Philhealth officials na sangkot sa kurapsyon.
Walang ibang gusto si Pang. Duterte kundi ang talagang makulong ang mga kurakot sa PhilHealth.
-
DOTr: MM subway 2025 pa ang partial opening
PINAHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na ang partial opening ng Metro Manila Subway project ay nalipat sa 2025 dahil sa mga challenges na dinulot ng pandemyang COVID-19 sa bansa. Sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na ang targeted partial opening ng Metro Manila Subway ay sa 2025 habang ang buong operasyon […]
-
METRO MANILA FILM FESTIVAL 2020 ONLINE REVEALS PRICE & PLATFORM
EARLIER last month, the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) announced that the annual Metro Manila Film Festival (MMFF) will stream online. We all know, watching films from the MMFF lineup has become part of Filipinos’ Christmas traditions. But since we’re well aware of the risks regarding Christmas parties and other social gatherings, we […]
-
Panahon na para rebyuhin ng Kongreso ang oil deregulation law- Malakanyang
PARA sa Malakanyang, panahon na para rebyuhin ng Kongreso ang oil deregulation law. Kasunod ito ng patuloy na pagtaas sa presyo ng langis at global supplies na tinamaan ng nagpapatuloy na labanan sa pagitan ng Russia at Ukraine. Sa isang panayam, sinabi ni Acting Cabinet Secretary Melvin Matibag na nakatakdang talakayin […]