• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Cybercrime investigation, palalakasin ng NCRPO

MAS palalakasin at paiigtingin pa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang kakayahan sa cybercrime investigation matapos ang pagtatapos ng Introduction to Cybercrime Investigation Course (ICIC).

 

Pinangunahan ni PBGen. Rolly Octavio,Chief Regional Staff sa NCRPO Grandstand, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City ang pagtatapos ng ICIC ng nasa 50 pulis mula sa limang police districts, Regional Headquarters at Regional Mobile Force Battalion.

 

Nabatid na layon ng ICIC program na masawata ang cybercrime, matukoy ang mga nasa likod nito at paghimay sa mga kaso na naaayon sa batas.

 

Dahil sa makabagong panahon, sinabi ni Octavio na dapat nang tutukan ang cybercrime lalo pa’t mas ginagamit at isinasagawa na ng mga sindikato at kriminal ang panloloko at pananamantala online.

 

Ayon kay Octavio, sa pagtatapos ng 50 pulis, marami na ang hahawak at mag-iimbestiga sa mga cybercrimes na inilalapit sa PNP.

 

Aniya, kailangang malutas ang bawat kaso ng cybercrime na panga­nib sa bawat Pilipino.

 

“As you step forward with these new skills, remember that you carry the public’s trust and expectations. In line with the CPNP’s guiding principle, Sa Bagong Pilipinas, ang gusto ng pulis, Ligtas Ka,” ani Octavio.

 

Dagdag pa nito, hindi lamang pagpapatupad ng batas ang tungkulin ng pulis kundi pagbibigay seguridad sa publiko kabilang ang digital age.

Other News
  • Gobyerno, susuriin kung gawa-gawa lang ang kakapusan sa asukal

    MAHIGPIT na susuriin ng gobyerno ang mga bodega sa bansa para malaman kung totoo o gawa-gawa lang ang kakapusan sa suplay ng asukal.     Sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, ang susunod na hakbang ng pamahalaan ay ang  alamin kung ang kakapusan ng asukal ay artificial.     “Subaybayan n’yo po at tuluy-tuloy kasi […]

  • Pagrampa ni SANYA na naka-red bikini sa ‘First Yaya’, nag-top trending sa YouTube

    NAG–ENJOY ang netizens sa panonood ng romantic-comedy series na First Yaya, sa episode na nagpapakita kay Sanya Lopez, wearing a red-bikini habang rumarampa bilang si Yaya Melody, at nganga lahat ng mga nakakita sa kanya.      Nag-top trending iyon sa YouTube at ilang oras lamang after nai-showing ay umani na ito ng more than […]

  • Thirdy balik Gilas Pilipinas

    Muling pumasok sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna ang Gilas Pilipinas para paghandaan ang FIBA Asia Cup na idaraos sa susunod na buwan sa Jakarta,     May 19 players ang nasa Calambubble kasama si Thirdy Ravena ng San-En NeoPhoenix.     Nagbalik si Ravena sa pool matapos ang kanyang huling laro suot ang […]