• September 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PNP chief iniutos pagpalawig sa frontline services; open na rin sa weekends, holidays

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief Gen Debold Sinas ang Civil Security Group na palawigin ang kanilang frontline services sa national headquarters.

 

Layon nito para makapag-accommodate ng mas maraming kliyente.

 

Ayon kay Civil Security Group director Brig. Gen. Rolando Hinanay, sakop ng frontline services ang License to Exercise Security Profession (LESP) para sa private security at License to Own and Possess Firearms (LTOFP) sa One-Stop-Shop.

 

one stop shop hanggang weekends at holidays simula November 28 hanggang December 13, 2020.

 

Bukas naman ito kapag Linggo at holiday ng alas-8:00 ng umaga hangang alas-12:00 ng tanghali.

 

Nilinaw naman ni Hinanay, ibabase ang scheduling scheme sa mga kliyente base sa kanilang online queuing system para makontrol ang mga papasok sa Camp Crame.

 

Batay kasi sa assessment ng CSG, lumalabas na sa daily average, umaabot sa 700 hanggang 800 ang mga kliyente ng CSG-OSS.

 

Ipinag-utos din ni PNP chief kay Hinanay na magbukas ng OSS ANNEX Office para sa maayos na pag-isyu ng DI clearance sa pag apply ng LESP at neuro-psycho tests at drug test para sa LTOFP applicants.

 

Plano rin ni Gen. Sinas na magtayo ng extension office sa bahagi ng Eastern Police District, Northern Police District at Southern Police District.

 

“Aside from this development for CSG services, we are working on the possible opening of LTOFP booths in shopping malls in Metro Manila, and printing hubs of LESP and LTOFP cards to be placed in all Police Regional Offices nationwide,” wika pa ni Gen. Sinas.

Other News
  • QC binuksan ang mga bagong bike lanes

    May mga bago at pinagandang bike lanes ang binuksan noong Linggo ang lungsod ng Quezon City sa mga pangunahing lansangan dito bilang bahagi sa pagsusulong ng active, sustainable at environment-friendly na transportasyon na laan sa mga residente at mangagawa.       Inilungsad din ang proyektong ito upang maisulong ang pagbibisekleta at ng masiguro ang […]

  • Big milestone sa Beautéderm na bahagi na ang aktres: RHEA, bilib kay BEA at naniniwalang best ambassador sa bagong produkto

    ISANG malaking milestone para Beautéderm Corporation na bahagi na si Bea Alonzo nang patuloy na lumalaking pamilya dahil opisyal na ito brand ambassador ng Beautéderm REIKO Slimaxine at REIKO Fitox.     Ang REIKO Slimaxine at REIKO Fitox ng Beautéderm ay Japan-made, 100% safe, epektibo, FDA-compliant, at mga all-natural na supplements.     Ang REIKO […]

  • UAAP volley hahataw na!

    MULING masisilayan ang umaatikabong aksyon tampok ang matitikas na collegiate volleyball stars sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) Season 84 women’s volleyball tournament.     Nakatakdang umarangkada ang bakbakan sa Mayo 5 matapos ang pagdaraos ng men’s basketball tournament.     Kaya naman pagkakataon na ng mga fans na masilayan ang kanilang hinahangaang […]