• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

QC pansamantalang itinigil ang pag-isyu ng PWD ID

Pansamantalang itinigil ng Quezon City government ang pagpoproseso ng identification card para sa mga persons with disability.

 

Kasunod ito sa kontrobersiya ng pagkakaroon ng mga PWD ID ang anim na miyembro ng isang pamilya kahit na ang mga ito ay hindi kwalipikado.

 

Sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte, simula ngayong araw hanggang Bukas ay ititigil muna nila ang pagpoproseso ng mga PWD ID.

 

Sa nasabing mga araw ay kanilang pag-aaralan kung paano magiging ligtas na at hindi na basta mapeke ang pagproseso ang nasabing mga ID.

 

May mga babaguhin silang sa nasabing pagproseso ng PWD para hindi na maiulit pa ang kontrobersiya.

 

Pinagpaliwanag na rin ng alkalde ang isa sa mga inireklamo na empleyado ng gobyerno.

 

Ayon naman kay City legal officer ng lungsod na si Atty. Nino Casimiro na posibleng maharap sa kasong grave misconduct na magreresulta pa sa pagkatanggal nito kapag napatunayan ang alegasyon.

 

Lumabas rin sa imbestigasyon ng city government ng Quezon na nagbayad ng tig-P2,000 ang mga inireklamo para makakuha ng ID.

 

Dagdag pa ni Casimiro na galing pa noong nakaraang administrasyon ang nasabing mga PWD card.

 

Nagbunsod ang nasabing reklamo sa pagkalat sa social media ng pagkakaroon ng PWD card ng anim na miyembro ng pamilya kahit ang mga ito ay hindi kuwalipikado. (Gene Adsuara)

Other News
  • Manager na si Wilbert, humingi na ng tulong sa netizens: HERLENE, iniyakan ang nawawalang National Costume para sa ‘Miss Planet International’

    INIYAKAN talaga ni Herlene Budol, nang malaman niyang nawawala ang National Costume na gagamitin niya para sa Miss Planet International na gaganapin sa Uganda sa November 19.       Narito ang kuwento ni Herlene: “Nakakaiyak ang nangyari na ang National Costume na gagamitin ko, ay mukhang nadisgrasya ng airlines.  Pagdating ng airport ayaw ipakarga, kesyo […]

  • Katotohanan sa ABS-CBN franchise issue, hirit ni Duterte – Palasyo

    MAGMAMASID ang Malacañang sa magiging takbo ng gagawing imbestigasyon ng Senado sa ABS-CBN franchise renewal sa Lunes.     Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na papanoorin ng Palasyo ang gagawing pagbusisi ng mga senador sa prangkisa ng nabanggit na TV network pati na kung ano ang gustong gawin ng mga senador.   Ayon kay […]

  • Ads July 16, 2024