• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA, ikinasa na ang P40/kilo Kadiwa rice sa mga pangunahing public markets sa NCR

PINAGULONG na ng Department of Agriculture (DA) ang Kadiwa ng Pangulo Rice-for-All program, kung saan nagbebenta ng bigas sa mas mababang presyo sa mga pangunahing pampublikong pamilihan sa National Capital Region (NCR).

 

 

 

 

“The DA, in partnership with the Food Terminal Inc., will deploy Kadiwa ng Pangulo kiosks in major public markets, including MRT and LRT stations. These kiosks will offer Rice-for-All at an affordable price of P40 per kilo, available from Tuesdays to Saturdays, 8:00 a.m. to 5:00 p.m.,” ang sinabi ni DA Assistant Secretary Genevieve Guevarra, pinuno ng Kadiwa program.

 

 

 

Layon ng Rice-for-All program ay makapagbigay ng abot-kaya o affordable rice options para sa mga mamimili at makatulong na masugpo ang mataas na retail prices.

 

 

 

Paunang ibinenta ng programa ang bigas sa halagang P45 kada kilo at sa kalaunan ay binawasan sa P43 kada kilo.

 

 

 

Sinabi ng DA na mas mababawasan pa ang presyo kung saan simula araw ng Huwebes, Disyembre 5 ay papalo na lamang ito sa halagang P40 kada kilo bilang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno na i- shield o isanggalang ang mga mamili mula sa ‘inflationary pressures.’

 

 

 

“Currently, we are coordinating with the following major markets in NCR for the rollout: Kamuning Market, Malabon Central Market, New Las Piñas City Public Market, Pasay City Public Market, Balintawak Market, Cartimar Market, Pateros Grace Marketplace, Maypajo Public Market, Paco Market,” ayon kay Guevarra.

 

 

Sa kabilang dako, ipinag-utos naman ni Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. ang deployment ng Kadiwa ng Pangulo kiosks sa mga pangunahing public markets para mapuwersa ang mga rice retailers at unscrupulous traders na ipinagdadamot sa mga mamimili ang benepisyo ng mas mababang presyo ng bigas.

 

 

“We plan to expand this program to other parts of the country where prices of rice remain high, a situation that borders on profiteering,”ang sinabi ni Tiu Laurel.

 

 

Matatandaang, una nang inaprubahan ni Pangulong Marcos ang karagdagang budget na P5 billion para suportahan ang P29 at Rice-for-All programs.

 

 

“This initiative underscores the DA’s commitment to ensuring food security and stabilizing rice prices across Metro Manila,” ang sinabi ni Tiu Laurel. ( Daris Jose)

Other News
  • WANTED NA KOREAN NATIONAL, NAARESTO SA NAIA

    NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Korean national na wanted ng iba’t ibang kaso sa kanilang bansa.     Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco,  kinilala ni BI intelligence chief Fortunato Manahan Jr. ang pasahero na si Kim Seonjeong, 37.     Sinabi […]

  • Single ticketing system sa MM sisimulan sa May 2

    INIULAT ng Metro Manila Council (MMC) na ang single ticketing system para sa lahat ng traffic violations ay sisimulan sa May 2.     Nilagdaan ng mga Metro Manila mayors kasama ang mga opisyales ng Land Transportation Office ang memorandum of agreement para sa pagpapatupad ng single ticketing scheme sa kalakhang Manila.     “After […]

  • Nakaramdam ng lungkot at takot: FAITH, dumaan sa matinding depression dahil sa COVID-19 pandemic

    DUMAAN pala sa matinding depression ang Kapuso actress na si Faith da Silva noong magkaroon ng COVID-19 pandemic.     Mag-isa lang daw kasi sa kanyang tinitirhan na apartment noon si Faith kaya nakaramdam daw siya ng matinding lungkot at takot.     “I was just 18 or 19-years old then. Ang hirap noong nag-iisa […]