DA, ipinag-utos na ang pagbuo ng National Agricultural and Fishery Mechanization Program
- Published on August 24, 2023
- by @peoplesbalita
INIHAHANDA na ng Department of Agriculture ang mechanization plan nito para sa 2023-2028.
Ito ay matapos na ilabas ng ahensiya ang isang isang department order na siyang bubuo sa National Agricultural and Fishery Mechanization Program (NAFMP) sa kabuuan ng nasabing panahon.
Sa ilalim ng Agricultural and Fisheries Mechanization Law, kailangang bumuo ng DA ng National Agricultural and Fishery Mechanization Program sa kada anim na taon.
Kabilang sa mga isinasa-alang alang sa pagbuo ng nasabing programa ay ang mga sumusunod: local manufacture ng mga makinarya, research development and extension, standard and regulation, support services, at maging ang human resource.
Bahagi rin ng mithiin sa ilalim ng nasabing programa ay ang matiyak na magkaroon ng isang pangunahing local agriculture machinery producer sa bansa na siyang magsu-supply ng mga kailangang makinarya para sa mechanization program ng pamahalaan.
Sa ilalim din ng program, bibigyan ng pagkakataon ang mga local researcher na bumuo ng kanilang mga sariling proyekto, sa pamamagitan na rin ng tulong ng pamahalaan. (Daris Jose)
-
Imbestigasyon ng DoJ sa “Bloody Sunday Killings” patas, masinsin at makatarungan – Sec. Roque
TINIYAK ng Malakanyang sa publiko na magiging patas ang Department of Justice sa ginagawa nitong imbestigasyon hinggil sa marahas at sabay-sabay na raid ng Philippine National Police (PNP) sa opisina ng ilang aktibista sa rehiyon ng Calabarzon, Linggo, bagay na ikinamatay ng siyam katao. “We are confident with that probe because no less than […]
-
Pamamasada ng mga traditional jeepneys hanggang Hunyo 30 na lamang – LTFRB
MAYROONG hanggang Hunyo 30 ang pagbiyahe ng mga tradisyunal na jeepney. Ayon kay LTFRB Technical Division head Joel Bolano na apat na beses na nila ng napagbigyan ang mga operators na magbuo ng kanilang kooperatiba bilang bahagi ng pagsulong ng gobyerno ng modernized jeepneys. Dagdag pa nito na magiging exempted lamang […]
-
Zia, nagpamalas na naman sa nakaka-touch na pagkanta: DINGDONG, ibinahagi ang lumang upuan ng ama na naging first crib niya
SA pagse-celebrate ng Father’s Day noong Linggo, June 19, nag-post ng mapusong mensahe si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes para sa kanyang tatay na si Jose Sixto Dantes, Jr. Ibinahagi nga ng award-winning actor at host ng top-rating shows na Amazing Earth at Family Feud sa kanyang Instagram account ang larawan ng kanyang […]