DA, mag-aangkat ng 60MT ng isda dahil sa ‘Odette’-induced shortage
- Published on January 20, 2022
- by @peoplesbalita
SINABI ni Department of Agriculture (DA) Secretary William Dar na may pangangailangan para mag-angkat ng 60,000 metric tons (MT) ng maliit na pelagic fish upang ma- meet ang demand para sa first quarter ng 2022 dahil sa pinsala na natamo ng fishery sector mula sa bagyong Odette noong Disyembre ng nakaraang taon.
Inanunsyo rin ni Dar, ang paglagda sa Certificate of Necessity to Import matapos makita sa isinagawang assessment ang malaking pinsala at nabawasang fish production, lalo na ang galunggong (round scad), sardines, at mackerel.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Dar na ginagawa na nila ang lahat ng pamamaaraan para remedyuhan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources’ projection na 119,000 MT fish supply deficiency sa unang tatlong buwan.
“We are bolstering the aquaculture sector to close gaps in fish production and sustainably improve our catch,” dagdag na pahayag nito.
Sinasabing P4 bilyong piso ang total value loss at damage na natamo ng fishery sector matapos manalasa ang bagyong “Odette” sa bansa noong Disyembre 16 at 17, 2021.
Nakikini-kinita rin ng DA ang isang pulgadang pagtaas sa fisheries at aquaculture input costs kasabay ng global prices ng petroleum at pagkain ng isda.
“We are, as always, striking the crucial balance to ensure fish security among consumers while coming to the aid of our fish producers,” ayon kay Dar.
Dahil dito, naglaan ang DA ng P50 milyong piso mula s a P1 billion Quick Response Fund post- “Odette” para sa pamamahagi ng marine diesel/gasoline engines, fiberglass fishing boats, at distribution ng relief goods gaya ng canned tuna, sardines, at frozen fish.
Isa pang P35 milyong halaga ng interventions ang naipamahagi sa mga apektadong rehiyon. (Daris Jose)
-
Antibodies kontra COVID-19 mananatili sa katawan ng tao ng 8-months
Mananatili ang antibodies laban sa coronavirus ng hanggang walong buwan matapos na madapuan ang isang tao ng COVID-19. Ayon sa San Raffaele hospital sa Milan, Italy na hindi ito mawawala anumang edad ng pasyente o ang presensiya ng pathologies. Sa ginawang pag-aaral sa ISS national health institute na mayroong 162 pasyente […]
-
LOUISE, nagtiwala sa direktor kaya napapayag sa love scene nila ni DIEGO
NAGPA-BOOSTER shot na rin si Bea Alonzo at pinost niya ang photo sa kanyang IG account at mayroon din siyang ni-reveal. Caption ni Kapuso actress, “Got boosted last night! “The start of this year was challenging. I caught covid early January (just like most people because of the covid surge), And at […]
-
Pinas, inalis na ang negative COVID test requirement para sa inbound travelers
HINDI na kailangan pang magpakita ang lahat ng fully-vaccinated inbound travelers ng pre-departure COVID-19 negative test sa kanilang pagdating sa Pilipinas. Ayon sa Department of Tourism (DOT), nauna nang inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for COVID-19 response ang pagbasura sa travel requirement. Sa ilalim ng Inter-Agency Task Force for […]