• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA, minomonitor ang umuusbong na ‘zoonotic diseases’

MINOMONITOR ng Department of Agriculture (DA), pinuno ng Philippine Inter-Agency Committee on Zoonoses (PhilCZ), ang umuusbong na ‘zoonotic diseases o infections” na maaaring kumalat mula sa hayop hanggang sa tao.

 

 

Sa isinagawang turnover ceremony ng chairmanship ng PhilCZ mula sa Department of Health (DOH) tungo sa DA, sinabi ni Agriculture Assistant Secretary Constante Palabrica na kabilang sa mga sakit na pinagtutuunan nila ng pansin ay ang rabies at “highly pathogenic” avian influenza.

 

 

Sinabi pa ni Palabrica na naghahanap ang DA ng P20 million hanggang P30 million budget para sa pagbili ng karagdagang anti-rabies vaccine. Aniya, inendorso na ito para sa pirma ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.

 

 

Base sa pinakabagong data ng DOH, may kabuuang 89 human rabies cases, nagresulta ng pagkamatay ng lahat, ang naitala mula January 1 hanggang March 16, 2024.

 

 

Nakapagtala ang Soccsksargen ng pinakamataas na bilang ng kaso na 12. Sinundan ito ng Calabarzon at Bicol Region na mayroong tig-11 kaso bawat isa.

 

 

Tinatayang 82 ng mga kasong ito ay may kinalaman sa kagat ng aso, limang kaso naman ang kagat ng pusa, habang ang natitira naman ay kagat mula sa ibang hayop.

 

 

Kabilang sa kabuuang kaso, tanging isa lamang kaso ang napaulat na ang nakakagat na hayop ay fully vaccinated, 40 kaso naman ang nagsabi na ang hayop ay unvaccinated, habang ang natitirang 48 kaso ay kinasasangkutan ng mga hayop na may “unknown vaccination status.”

 

 

Ukol naman sa avian influenza, sinabi ni Palabrica na inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang tatlong kompanya para magpatuloy na I-trial ang vaccine.

 

 

“It’s still in process, ‘yung AI na bakuna . We’re just waiting for the results of the trial and from that, we can get an approval from the FDA,” ayon pa rin kay Palabrica.

 

 

Maliban sa mga ito, sinabi ni Palabrica na sinusubaybayan niya ang paglitaw ng foot-and-mouth disease at anthrax.

 

 

“As of now, merong emerging diseases…and that is the foot-and-mouth disease. The foot-and-mouth disease, as of now, the Philippines is free. Wala tayong bakuna. Hindi naman ito naita-transfer sa tao,” ayon kay Palabrica.

 

 

Ang mga kaso ng anthrax sa bansa ay kasalukuyan lamang limitado sa hilagang bahagi ng Luzon. Sinabi pa niya na handa ang DA sakali’t lumagap ang nasabing nakahahawang sakit.

 

 

“We have the capability to produce the vaccine for anthrax and we can do immediate action against anthrax,” ang sinabi ni Palabrica.

 

 

Buwan ng Marso, sinabi ng DOH na minonitor nito ang anthrax situation sa ibang mga bansa, kahit pa tiniyak ng departamento sa publiko na mayroon lamang na maliit na tsansa na kumalat ang nasabing sakit sa pangkalahatang populasyon. (Daris Jose)

Other News
  • Posible kayang mag-join sa Miss Universe PH?: GABBI, kinagiliwan ng netizens ang pag-a-ala-beauty queen

    HINANGAAN ng marami ang pagiging supportive father ni Jestoni Alarcon sa anak na si Angela Alarcon dahil tinulungan niya itong makahanap ng tamang match sa EXpecially For You segment ng ‘It’s Showtime.’       Inamin ni Angela na very strict daw ang kanyang daddy pagdating sa mga manliligaw niya.       Mensahe ni […]

  • Walang face mask, arestuhin! — Duterte

    Inatasan na ng Supreme Court (SC) ang lahat ng trial court judges sa buong bansa na suspindehin ang commitment orders sa mga kulungang pinamamahalaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).   Ito ang inisyung kautusan ni Court Administrator Jose Midas Marquez bilang hiling ng Interior Secretary Eduardo Año.   Para kay Año’s, ito […]

  • Jarencio positibo sa pilay na Batang Pier

    WALANG sablay ang NorthPort sa playoffs sa nakalipas na taon, pinakamataas na placing ang No. 2 sa midseason Commissioner’s Cup pero dalawang beses nilango ng San Miguel Beer sa quarterfinals.   Pinakamataas na tinapos ng Batang Pier ang semifinals sa season-ending Governors Cup pero milasing din ng Barangay Ginebra San Miguel sa best-of-five. Sa pagpalaot […]