DA naghahanda sa ‘worst case scenario’ sa suplay ng bigas dahil sa El Niño
- Published on March 28, 2023
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary at deputy spokesman Rex Estoperez na pinaghahandaan na ng pamahalaan ang anumang ‘worst-case scenario’ pagdating sa suplay ng bigas, bunsod na rin ng banta ng El Niño phenomenon.
Ayon kay Estoperez, tinatrato ng DA ang El Niño, gaya rin ng iba pang kalamidad, dahil ang epekto naman nito sa agricultural production ay katulad din ng sa mga bagyo.
Aniya, ang National Food Authority (NFA) ay inatasan nang bumili ng palay para magkaroon ng buffer stock ang bansa.
Maaari rin silang mag-angkat ng bigas sakaling magkaroon ng kakulangan ng suplay nito.
Sinabi pa ng DA official na bagamat sinabi ng PAGASA na ang impact ng tagtuyot ay maaaring maramdaman sa Visayas at Mindanao, gumagawa na rin aniya ang pamahalaan ng kinakailangang paghahanda para sa buong bansa, kabilang ang Luzon.
Kabilang aniya sa mga naturang preparasyon ay ang pagtugon sa mga tagas sa irrigation system upang maiwasan ang pagkasayang ng suplay ng tubig.
Hinihikayat din aniya nila ang mga magsasaka na magtanim din ng iba’t ibang uri ng pananim na resilient o makakatagal sa init.
Aniya pa, dahil mahal, ang cloud seeding ang magiging huling opsiyon ng pamahalaan upang magkaroon ng tubig ang mga irrigation systems.
Una nang sinabi ng PAGASA na ang El Niño ay maaaring mabuo sa Hulyo, Agosto hanggang sa Setyembre ng taong ito, at maaari pang magtagal hanggang taong 2024. (Daris Jose)
-
Desisyon ng Comelec, hihilingin na isaalang-alang
HIHILINGIN ng Commission on Elections (Comelec) sa Korte Suprema na isaalang-alang ang desisyon nito na ang poll body ay nakagawa ng grave abuse of discretion nang i-disqualify nito ang service provider ng Smartmatic bago ito makapagsumite ng anumang bid para sa 2025 elections . Katunayan ayon kay Comelec Chairman George Garcia, sila ay […]
-
Malakanyang, pinayuhan ang mga employer na magtalaga ng health safety officer sa kanilang work place
UMAPELA ang Malakanyang sa mga nagmamay-ari ng kumpanya na gumawa ng kaukulang hakbang para masiguro na nagagawa ang pag- iingat sa kanilang work place. Ang apela ng Malakanyang ay ginawa sa harap ng nagpapatuloy na pagsirit ng mga nadaragdag na kaso ng COVID 19. Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet […]
-
MANILA LGU, HANDA NANG BAKUNAHAN ANG MGA BATANG 5 – 11 ANYOS KONTRA COVID-19
HANDA na ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila na mamahagi ng bakuna kontra COVID-19 para sa mga menor de edad mula 5 hanggang 11 taong gulang sakaling maglabas na ng “go signal” ang Department of Health at ang National Task Force Against Covid-19 na inaasahang ipatupad sa susunod na linggo. “Nakahanda na […]