DA, nagpaliwanag sa pagbaba ng suplay ng kamote sa PH; taas-presyo, pansamantala lamang
- Published on August 29, 2022
- by @peoplesbalita
NAGPALIWANAG ang Department of Agriculture sa kakulangan ng suplay ng kamote sa Pilipinas.
Ayon kay DA Undersecretary Domingo Panganiban, talagang nagkukulang ang suplay ng kamote kapag panahon ng tag-ulan dahil hindi masyadong lalaki ang mga ito.
Subalit pagsapit naman aniya ng buwan ng Oktubre, Nobiyembre at Disyembre inaasahan na tataas na ang suplay at pansamantala lamang ang taas-presyo ng kamote sa mga merkado dahil inaasahang bababa rin ito kapag dumami na muli ang suplay.
Ayon kay Panganiban, nagmumula ang suplay ng sweet potatoes o kamote sa Central Luzon, Southern Tagalog at Northern Luzon na tinamaan ng severe tropical storm Florita.
Kaugnay nito, inatasan na rin aniya ang Bureau of Plant Industry para kolektahin ang mga data sa kung ilan ang nabawas sa suplay ng kamote ngayong taon.
Batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority , ang production ng kamote sa bansa ay tumaas ng 278,330 metric tons mula January hanggang June 2022 kumpara sa 273,090 MT ng kaparehong period noong nakalipas na taon.
Subalit sa datos mula 2020 at 2021 , nakitaan ng pagbaba sa suplay ng agricultural products mula July hanggang buwan ng Setyembre.
-
Suplay ng NFA rice, sapat para sa mga Kadiwa store-PBBM
MAY sapat na bigas ang National Food Authority (NFA) para suplayan ang mga Kadiwa store ngayong Kapaskuhan. Pinangunahan kasi kahapon, araw ng Sabado ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang “surprise inspection” sa warehouse ng National Food Authority (NFA) sa Valenzuela City. Nais kasi ni Pangulong Marcos na personal na i-check ang suplay ng bigas. Sinabi […]
-
Mga atleta tuturuan sa paggasta’t pag-iimpok
MAKALIPAS pangunahan ang Team Philippines sa 2019 Southeast Asian Games Championship, tuturuan naman ng Philippine Sports Commission o PSC sa tamang pamumuhay para sa magandang kinabukasan ang mga atleta buhat sa mga pinaghirapan nilang kinita. Magsasagawa ang government sports agency ng two-day financial literacy online seminar and workshop para sa national athletes at coaches […]
-
Independent panel na mag-iimbestiga sa mga naganap na summary executions noong drug war, pinabubuo
HINIKAYAT ni House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan si Presidente Marcos na magbuo ng isang independent fact-finding commission na siyang mag-iimbestiga sa extrajudicial killings na may kaugnayan sa kontrobersiyal na war on drugs noong nakalipas na administrasyon. “We urge the President to form a panel – similar to the Agrava Fact-Finding Board – […]