DA, nakikita ang pagbaba ng SRP para sa sibuyas sa ikalawang linggo ng Enero
- Published on January 10, 2023
- by @peoplesbalita
INAASAHAN na itatakda sa ikalawang linggo ng Enero ang mababang suggested retail price (SRP) para sa sibuyas.
Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary at Spokesperson Kristine Evangelista, araw ng Lunes na ang P250 kada kilogram na SRP para sa sibuyas ay napaso’ na nitong araw ng Sabado, Enero 7, dahilan para ipanawagan na konsultahin ang mga magsasaka, mga traders at retailers na magtakda ng bagong SRP.
“Dapat kasi bababa base doon sa aming pag-uusap noong Disyembre dahil magkakaroon na ng harvest. Mas marami nga na harvest ang sabi ng ating magsasaka sa second week of January. So inaasahan na bababa ang farmgate price at kapag bumaba ang farmgate price, may epekto po iyan sa retail [price] kung saan babantayan naman po natin,” ani Evangelista sa isang panayam.
Tinukoy ang naging pulong kasama ang mga stakeholders noong nakaraang buwan, sinabi ni Evangelista na ang SRP para sa sibuyas ay dapat na pumalo na sa P200 sa ikalawang linggo ng buwang kasalukuyan.
“Pero hindi naganap iyong P250 [SRP] so kailangan natin balikan at kausapin muli ang ating mga onion farmer kung ano talaga ang dahilan, then we can come up with interventions na nararapat para bumaba ang presyo,” dagdag na pahayag ni Evangelista.
Sa ulat, base sa price monitoring ng DA , “as of Thursday, Enero 5,” ang lokal na pulang sibuyas ay nagkakahalaga sa pagitan ng P280 at P650 kada kilo habang ang lokal na puting sibuyas ay P400 hanggang P600 kada kilo.
Samantala, plano ng DA na mag-angkat ng 22,000 metriko toneladang sibuyas upang wakasan ang patuloy na pagtaas ng presyo nito sa mga pamilihan.
Ayon kay DA Deputy spokesperson Rex Estoperez, dapat dumating ang 22,000 MT ng aangkating sibuyas bago ang peak harvest na magsisimula sa Marso.
Dapat aniyang dumating ang mga aangkating sibuyas sa unang linggo ng Pebrero o huling linggo ng Enero upang mapababa ang presyo nito.
Dagdag pa niya, sinisikap ng DA na balansehin ang pangangailangan ng mga consumer sa kapakanan ng mga producer.
Base sa rekomendasyon ng DA, 25% ng aangkating sibuyas ay dadalhin sa Mindanao, 25% sa Visayas, at 50% sa Luzon. Sa 50%, 10% ang puting sibuyas.
Samantala, aminado si Estoperez na nagkaroon ng lapses ang DA sa supply chain ng sibuyas sa bansa. (Daris Jose)
-
LeBron, binitbit ang Lakers tungo sa 135-115 pagdomina sa Blazers
Nangangailangan na lamang ng isang panalo ang Los Angeles Lakers para makapasok sa semifinals matapos na tambakan nila ang Portland Trail Blazers, 135-115, sa Round 4 ng kanilang best-of-seven playoff series. Namayani nang husto si LeBron James na nagpakawala ng 30 big points at 10 assists, na dinagdagan ni Anthony Davis ng 18 points […]
-
Ads June 16, 2023
-
4 drug suspects timbog sa halos P1M droga sa Caloocan
KALABOSO ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng halos P1 milyong halaga ng droga nang maaresto sa magkahiwalay na drug operation sa Caloocan City. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, nagsagawa ng beripikasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) matapos ang natanggap nilang impormasyon hinggil sa umano’y […]