• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA, nanawagan sa mga lokal na opisyal ng Luzon na makipagtulungan sa gobyerno para sa paghahatid ng suplay ng pagkain sa NCR

NANAWAGAN ang Department of Agriculture sa lahat ng mga provincial chief executives at sa mga municipal mayors sa luzon na mangyaring makipagtulungan sa gobyerno upang hindi maantala ang paghahatid ng suplay ng pagkain sa National Capital Region at mga karatig- lalawigan na muling isinailalim sa modified enhanced community quarantine (mecq).

Nakarating kasi kay Agriculture Sec. William Dar ang impormasyon na may mga sasakyang nagde-deliver ng pagkain ang hindi makalusot sa mga inilatag na checkpoint sa bahagi ng Benguet province.

Kaya ang pakiusap ni Sec. Dar sa mga local chief executives, partikular na sa Benguet LGU ay makipagtulungan sa kanilang ahensya para matiyak na walang mabubulok na mga gulay o pananim na galing ng Benguet at maayos itong makararating sa Metro Manila.

Sa kasalukuyan, kumikilos na ang regional field office ng DA sa Baguio City upang hindi na magkaroon pa ng pagkaantala ang delivery ng mga suplay ng pagkain patungo sa NCR at mga karatig lalawigan na muling ibinalik sa MECQ .(Daris Jose)

Other News
  • Drug suspect kalaboso sa P115K droga sa Caloocan

    BINITBIT sa selda ang isang drug suspect matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyong halaga ng ilegal na droga sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta na habang nagsasagawa ng foot patrol ang  mga tauhan ng Cadena […]

  • Ryan Reynolds, Reveals Behind-The-Scenes Images Wearing His ‘Deadpool’ Suit Again

    RYAN Reynolds reveals behind-the-scenes images of himself wearing the Deadpool suit.     It’s been a few years since the actor last reprised his comic book role via David Leitch‘s Deadpool 2 from 2018. Since then, a lot has already happened, including the character now confirmed to be under Marvel Studios, with Deadpool 3 currently in the works.     In the meantime, the actor has […]

  • La Salle ibinunton ang galit sa UST

    IBINUHOS ng La Salle ang ngitngit sa University of Santo Tomas nang itarak ang 75-66 panalo sa UAAP Season 84 men’s basketball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pa­say City.     Nasandalan ng Green Ar­chers si Justine Baltazar na kumamada ng 20 points, 7 rebounds at 5 assists para sa kanilang ikaapat […]