• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA, tiniyak ang 24/7 DRRM ops para sa mga disaster-affected farmers

TINIYAK ng Department of Agriculture (DA) ang 24/7 Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) ops para sa mga disaster-affected farmers.

 

 

 

Layon nito na maayos na suriin ang epekto ng pinalakas na southwest monsoon o Habagat at bagyong Carina sa buong sektor.

 

 

“Lahat po ng concerns ay pwede pong tanggapin sa bawat regional field office, nakatutok,” DA Assistant Secretary Arnel de Mesa sa isang panayam.

 

 

Sinabi pa ni De Mesa na maaaring dumirekta ang mga magsasaka sa DA regional offices at municipal agriculturists.

 

 

Kabilang naman sa available na tulong ay ang 72,174 bags ng rice seeds; 39,546 bags ng corn seeds; 59,600 pouches at 1,966 kg ng vegetable seeds; P25,000 halaga ng loan sa ilalim ng Survival and Recovery (SURE) Loan program mula sa Agricultural Credit Policy Council, na may zero interest at payable ng tatlong tao; at aktibasyon o pagpapagana sa pondo sa ilalim ng quick response fund at Philippine Crop Insurance Corp.

 

 

“Sa ngayon, 11,003 magsasaka ang apektado, may agricultural damage na P251.21 million,” ayon sa DA-DRRM Bulletin No. 9.

 

 

“Maliit pa ito kumpara sa, base sa mga nararanasan natin sa mga nakalipas na taon. Umaasa rin tayo na hindi masyadong magiging malala iyong pagpasok ng La Niña,” ayon kay De Mesa.

 

 

Ang rice sector ang nagtamo ng ‘most damage’ na may P228.23 million o 2,912 MT (metric tons) pagdating a volume, sinundan ng mais na may 297 MT (P14.08 million), high value crops na may 228 MT (P8.75 million) at livestock na may P143,300.

 

 

Nauna rito, sinabi ng DA na may 500,000 MT hanggang 600,000 MT production ang inaasahan na magiging lugi sa bawat taon dahil sa natural calamities. (Daris Jose)

Other News
  • Heartwarming at medyo kontrobersyal: Sen. IMEE, may espesyal na Christmas vlog na dapat matunghayan

    ITO na talaga ang pinaka-kahanga-hangang panahon ng taon at pinag-uusapan ng lahat ang espesyal na Christmas vlog ni Senator Imee Marcos na mapapanood nang libre sa kanyang opisyal na channel sa YouTube ngayong Disyembre 23. Libu-libong Imeenatics at netizens ang humuhula kung ano ang nilalaman nito. Sinasabi ng mga insiders na ang Christmas vlog ay […]

  • 90 day extension ng SIM card registration, inaprubahan ni PBBM

    INAPRUBAHAN ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang  90-day extension ng SIM card registration.     Nakatakdang magtapos kasi sa Abril 26, 2023 o ito kasi ang  deadline ng pagpaparehistro ng SIM card ng mga subscriber.     Sa Facebook page ng Radio Television Malacañang (RTVM), nakasaad dito na “Failure to register within the given period […]

  • Portuguese Footbal Federation itinangging nagbanta si Ronaldo na ito ay hindi na maglalaro sa World Cup

    Pinabulaanan ng Portuguese Football Federation (FPF) na nagbanta ang kanilang star player na si Cristiano Ronaldo na ito ay lalayas na at hindi na maglalaro sa nagpapatuloy na FIFA World Cup na ginaganap sa Qatar.   Ayon sa koponan na walang katotohanan ang kumalat na balita sa banta ng kanilang team captain.   Sa kada […]