• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA, tiniyak ang mas maraming tulong matapos na sumirit sa P3-bilyon ang pinsala sa agrikultura

MINAMADALI na ng Department of Agriculture (DA) ang pagbibigay ng tulong sa mga apektadong magsasaka at mangingisda matapos na umabot sa P3 bilyon ang pinsala na dulot ng Tropical Storm Agaton.

 

 

Sa Laging Handa public briefing, tinukoy ni Agriculture Undersecretary Fermin Adriano na ang DA ay nakapag-secure na ng five assistance deliveries sa mga “much-affected sector.”

 

 

Kabilang na rito ang P500 milyong halaga ng quick response fund; P100 milyong piso para sa credit program; P88 milyong halaga ng free seedlings para sa bigas at iba’t ibang pananim at P13 milyong halaga ng tulong para sa poultry losses; at maging sa delivery ng agricultural insurance benefits.

 

 

“Pinakikilos na rin namin ‘yung Philippine Crop Insurance Corporation na bayaran ‘yung mga magsasaka na naka-insured sa kanila ng mga damages dahil dito sa typhoon Agaton,” ayon kay Adriano.

 

 

Sa pinakahuling bulletin ng DA, 67,586 magsasaka at mangingisda ang napaulat na apektado partikular na sa Bicol Region, Western Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Davao Region, Soccsksargen, at Caraga.

 

 

Ang highest value ay naitala sa rice production, umabot ito sa “P1.3 billion in losses” para sa mahigit na 29,000 ektarya ng lupain. (Daris Jose)

Other News
  • Toll Holiday sa Cavitex simula sa July 1

    ALINSUNOD sa ipinag-utos  ni Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos ay inaprub na ng Toll Regulatory Board ang resolusyon ng Philippine Reclamation Authority (PRA) na magkaroon ng 30 day free passage sa mga tollways  ng Cavitex. Ibig sabihin mula July 1 hanggang July 30 2024 ay nakataas ang mga barriers sa mga toll booths kaya hindi mababawasan […]

  • Cellphone ban sa klase inihain na sa Senado

    Isinulong na sa Senado ang panukalang ipagbawal ang paggamit ng mobile device at electronic gadgets sa mga paaralan sa oras ng klase. Sa ilalim ng Electronic Gadget-Free Schools Act (Senate Bill No. 2706) na inihain ni Sen. Sherwin Gatchalian, sakop ng panukala ang mga mag-aaral sa kindergarten hanggang senior high school sa mga pampubliko at […]

  • Filipinas makakaharap ang Vietnam para makakuha ng puwesto sa 2022 AFF Women’s Championship

    MAGHAHARAP  ang Filipinas womens football team at Vietnam para makakuha ng puwesto sa finals ng 2022 AFF Women’s Championship.     Nanguna kasi sa Group B ang Vietnam ng tambakan ang Myanmar 4-0 nitong Miyerkules habang ang Filipinas ay nasa Group A na nakuha ang panalo kontra Australia 1-0 sa pagsisimula ng torneo.     […]