• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Daan-libong Pinoy mawawalan ng trabaho sa fake, substandard products mula China

 

IBINUNYAG ni House Deputy Majority leader at ACT-CIS partylist Rep. Erwin Tulfo na daan-daang libong manggagawa sa bansa ang maaapektuhan at mawawalan ng hanapbuhay kung hindi marerendahan ang talamak na bentahan ng mga sub-standard at pekeng produkto na karamihan ay galing China gamit ang mga online deliveries.

 

 

 

Dahil dito, maghahain si Tulfo kasama ang kanyang mga kasamahan sa ACT-CIS partylist na sina Reps. Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, Benguet Rep. Eric Yap at Quezon city 2nd district Rep. Ralph Wendel Tulfo, ng isang resolusyon para pa-imbestigahan sa Kongreso ang “unfair online sales practices” ng mga offshore aplliances na karamihan ay galing sa China at direktang ipinapasok sa bansa at ibinebenta sa mas murang halaga.

 

“Kung hindi ito mapipigilan, maraming manufacturers sa Pilipinas na sumusunod sa tamang alituntunin ng batas natin ang mapipilitang magsara dahil sa pagkalugi. At kapag nangyari ito siguradong daan-daang libong kababayan natin ang mawawalan ng trabaho,” ani Tulfo sa pahayag.

 

Sinabi ng mambabatas na aabot sa 15 negosyante na karamihan ay manufacturer at nagbebenta ng mga appliances ang personal na lumapit sa kanyang tanggapan para magpasaklolo dahil apektado na ang kanilang negosyo sa talamak na bentahan ng mga sub-standard at pekeng produkto na ibinebenta sa mas murang halaga.

 

“Itong mga negosyante na ito, sila ‘yung mga nagbabayad ng tamang buwis at sumusunod sa lahat ng regulasyon at alituntunin na pinaiiral ng ating batas. Pero sila ang lubos na apektado at ngayon at nalulugi dahil sa hindi patas na bentahan sa merkado,” giit ni Tulfo.

 

Nilinaw naman ni Tulfo na hindi siya tutol sa mga online selling, pero iginiit niya na dapat din silang dumaan sa mga itinakdang batas ng ating gobyerno.

Other News
  • Panaga idinagdag na ng Creamline Cool Smashers

    MAKARAANG kumawala sa Petro Gazz Angels via free agency, pinapirma ng Creamline Cool Smashers nitong Martes ang kalibre ni veteran player Jeanette Panaga bilang paghahanda sa Premier Volleyball League (PVL) sa Abril.   Araw ng Linggo nang kumawala mula sa Petro Gazz Angel ang 25-year-old, six-footer  middle blocker kasama ang apat na iba pa mga […]

  • Pagkagutom, pinakamataas simula noong 2020

    MAS maraming pamilyang Filipino ang nakaranas ng involuntary hunger nito lamang second quarter ng 2024 kumpara sa nakalipas na quarter.         Ito ang lumabas sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS), ipinalabas araw ng Martes, Hulyo 23, natuklasan ng SWS na may 17.6% ng pamilyang Filipino ang nakaranas ng involuntary […]

  • Arayi, Lim sa WNBL Draft

    MAY dalawang beteranang kasapi ng Philippine women’s basketball team o Gilas Pilipinas women ang nagkumpirma ng kanilang paglahok sa bagong panganak na pro Women’s National Basketball League (WNBL) Draft para sa buwang ito.   Ang isa ay si Ewon Arayi, na kasalukuyang coach ng Adamson University sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) at […]