• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dacera case ‘not yet closed’, mga suspect ‘di pa lusot

Suportado ng Malacañang ang naging desisyon ng Makati Prosecutor’s Office na nanawagan ng ‘further investigation’ sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera, kasabay nang panawagan naman sa publiko na huwag gumawa ng mga espekulasyon sa kaso.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pagsasagawa ng preliminary investigation ay makakatulong para malinawan ang insidente.

 

“Iyan po’y makakabuti dahil ang gusto ng piskal ay magkaroon ng additional na ebidensiya nang sa gayon kapag naisampa sa kaso, diri-diretso na po sa Muntinlupa [New Bilibid Prison] ang mga magiging akusado,” dagdag pa ni Roque.

 

“Obviously po dahil mayroon pang hininging ebidensiya ang ating fiscal, [the] case is not yet closed.”

 

“They are not yet off the hook. Hindi namin dini-dismiss ang kaso, in fact, nilagay lang namin sa full-blown preliminary investigation ito para lahat ng ebidensiya pumasok from both parties.”

 

Ito ang naging paglilinaw kahapon ni Prosecutor General Benedicto Malcontento sa panayam sa kaniya ng radyo DZBB, kasunod sa naging kautusan ng Makati Prosecutor’s Office kamakalawa na pansamantalang palayain ang tatlo sa 11 itinuturing na respondents sa isinampang reklamong rape with homicide kaugnay sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Angelica Dacera.

 

Aniya, sa proseso, may 60 araw para sa preliminary investigation kung saan titignan ang gravity ng inihaing reklamo kaugnay sa pagkamatay ni Dacera.

 

Samantala, sinabi rin ni Malcontento na wala silang nakitang paglabag sa panig ng Makati Police na idetine ang mga suspek dahil kailangan na iprisinta sila sa piskalya sa inquest proceedings sa loob ng 36 oras matapos ang insidente.

 

Gayunman, kaya lamang iniutos ng Makati Prosecuto ang ‘release for further investigation’para sa 3 respondents dahil wala silang nakitang dahilan ng continuous detention.

 

Sakali aniyang, may makitang ebidensiya sa imbestigasyon maaari namang mag-isyu ng preventive hold departure order laban sa mga respondents upang hindi makalabas ng bansa habang hindi pa sumasampa sa korte ang kaso subalit sa  kasalukuyan ay wala pa umanong ‘solid evidence” dahil kulang ang autopsy report.

 

Sa ngayon ay hinihintay pa ng prosekyusyon ang isusumiteng official reports ng Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) bilang ebidensiya para magkaroon ng conclusion sa inihaing reklamo at masimulan ang preliminary investigation.

 

Samantala matapos isailalim sa pangalawang autopsy, naiuwi na rin sa Gen. Santos City ang mga labi ni Christine.

 

Sinimulan na rin kahapon ng NBI ang pagsasagawa ng masusing imbestigasyon sa naturang insidente. (Daris Jose)

Other News
  • Eala pasok na sa main draws ng W80 Poltiers tournament sa France

    NAKAPASOK  sa main draw ng W80 Poltiers tournament sa France si Pinay tennis player Alex Eala.     Ito ay matapos talunin niya ang dalawang French players sa magkasunod na sets sa qualifiers.     Tinalo nito sina Diana Martynov at Astrid Cirotte sa score na 6-1, 6-2.     Sa qualifying second round ay […]

  • Pagbaril ng senglot na parak sa leeg ng 52-anyos na ale ‘hindi isolated case’ — DILG

    Maaaring mas madalas pa kaysa sa gustong aminin ng gobyerno ang mga nangyayaring karumal-dumal na pagpatay ng mga kawani ng Philippine National Police sa mga sibilyan, pag-amin ng Department of the Interior and Local Government.     Martes lang nang arestuhin si Police M/Sgt. Hensie Zinampan, na nakuhanan ng video nang patayin ang nakaalitang 52-anyos na si […]

  • 512 Bulakenyong magsasaka, mangingisda, nagtapos mula sa Farmers’ Field School, mga kurso ng pagsasanay

    LUNGSOD NG MALOLOS- Apat na pangkat ng mga Bulakenyong magsasaka at mangingisda ang nakakumpleto ng kanilang season-long Farmers’ Field School (FFS) at mga kurso ng pagsasanay, nakakuha ng karagdagang kaalaman upang doblehin ang kanilang ani, at tumanggap ng kanilang katibayan at inputs sa ginanap na Mass Graduation Ceremony sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na […]