DAGDAG KAPAPASIDAD SA SIMBAHAN PARA SA VACCINATION WALANG PINAG-USAPAN
- Published on February 10, 2021
- by @peoplesbalita
WALA umanong napapag-uasapan kung may kahilingan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na dagdagaan ang kapasidad ng mga simbahan para sa vaccination program ng pamahalaan.
Ayon kay Manila Vice Mayor Honey Laguna-Pangan sa ginanap na virtual forum ng Department of Heatlh (DOH) , ang napag-uasapan lamang aniya ng pamahalaang lungsod ng Maynila sa pangunguna ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kasama si Bishop Broderick Pabillo ay ang iniaalok na mga simbahan at mga eskuwelahan na maaring gawing vaccination sites.
Ito ay kasunod umano ng panawagan na dagdagan ang kapasidad sa simbahan .
Sinabi pa ni Laguna-Pangan na wala namang nabanggit si Bishop Pabillo sa kanila na humihiling sila na taasan o dagdagan ang kapasidad sa simbahan.
Ang 50% capacity na ibinigay naman aniya sa kanila ay tolerable naman vaccination program dahil kaya naman aniyang ipatupad ang health protocol .
Napag-usapan lamang aniya na tutulong ang Simbahan kung saan bubuksan ang kanilang mga schools at churches para makatulong sa vaccination site para sa lungsod ng Maynila.
Sinabi naman ni Health Usec Maria Rosario na kailangan pa ring dumaan sa IATF ang mga ganitong bagay .
Ayon kay Vergeire, kapag may nagre-request na mga sector para magkaroon ng kaunting kaluwagan sa itinalagang pamantayan ng IATF ay kailangan munang dumaan sa proseso.
Kailangan lamang umanong magsumite ng request letter sa IATF upang matalakay ng mga opisyal. (GENE ADSUARA)
-
DSWD, mas pinadali ang mg guidelines ng AKAP para maabot ang dapat na mga benepisyaryo nito
Mas pinadali na ng Department of Social Welfare and Development ang mga guidelines sa Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) para mas maabot ang mga dapat na benepisyaryo nito na kinabibilangan ng mga low-income at mga minimum-wage earners. Ayon kay DSWD Assistant Secretary at Spox. Irene Dumlao na napirmahan na ni […]
-
Habang pursigido talaga si Alden… DONNY, balitang type ding ligawan si KATHRYN pero naudlot
HIWALAY na raw sina Kim Chiu at Paulo Avelino. O di ba? Wala namang inamin ang mga bida ng ‘Linlang’ at ‘What’s Wrong with Secretary Kim’, ay naghiwalay na raw, huh! Ito ang tsikang tinawag pa sa amin ng isang insider na taga-Dos na kapwa malapit kina Paulo ay Kim. Ayon pa […]
-
PBBM, nagsagawa ng pangalawang Cabinet meeting via teleconference
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pangalawang Cabinet meeting, araw ng Martes sa pamamagitan ng teleconference. HIndi ‘physically present’ si Pangulong Marcos sa meeting na isinagawa sa Presidential Guest House dahil patuloy siyang nasa isolation matapos na magpositibo sa COVID-19 testing noong nakaraang linggo. Bumuti naman ang kalusugan ng […]