Dagdag na 300 kaso ng COVID 19 nitong nakalipas na linggo, hindi dapat na ipag- alala -Dr. Solante
- Published on June 16, 2022
- by @peoplesbalita
HINDI pa maituturing na isang concern o alalahanin ang mahigit 300 kaso ng COVID 19 na nadagdag kamakalawa.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante na alam na naman ng mga kinauukulan kung paano ito masugpo at mako-kontrol.
Sa katunayan, nasubukan na aniya ng ito sa mga mas highly transmissible variants of concern gaya ng Delta at ng Alpha.
Ani Solante, ang kailangan lamang ay masusing i-monitor ang mga kaso habang importante din na panatilihin ang mask mandate at patuloy na i-obserba ang health protocol.
” Dito, nakikita natin ngayon with the report of the BA.4, BA.5 entry including BA.2.12.1, na kapag pumapasok ito sa bansa natin, talagang we would expect na mayroong mga uptick of cases. But if you look at the 300 plus cases, it’s not something to worry about, something to be of concern,” ayon kay Solante.
“Alam naman natin kung paano ito masugpo at ma-control and we have had experience before with more virulent and more highly transmissible variants of concern like the Delta or the Alpha,” dagdag na pahayag nito.
Ani Solante, ang kailangan lamang ay masusing i-monitor ang mga kaso habang importante din na panatilihin ang mask mandate at patuloy na i-obserba ang health protocol.
Aniya pa, kailangan ding mapalwak pa ang first booster sa hanay ng general population.
“So, we just have to monitor the cases and again, ang pinakaimportante ngayon is we need to maintain our mask mandate, the health protocol and isama na rin natin na sana with these number of cases ay mapalago natin ang first booster sa general population which is for me, very important with the Omicron lineages,” lahad nito. (Daris Jose)
-
30-day break ng mga guro, suportado sa Kamara
SUPORTADO sa Kamara ang hakbang ng Department of Education (DepEd) na bigyan ng 30-araw na break ang mga guro sa pampublikong paaralan sa bansa. Pinuri rin ni House Committee on Labor and Employment chairman at Rizal Rep. Fidel Nograles ang plano ng DepEd na bawasan ang administrative work ng mga guro at gawin […]
-
2 NAAKTONG NAGSA-SHABU SA LOOB NG KARITON SA NAVOTAS
WALANG kawala ang dalawang lalaki matapos maaktuhan ng mga tauhan ng Maritime police na sumisinghot ng shabu sa loob ng isang kariton sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ni Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) chief P/Major Randy Ludovice ang naarestong mga suspek na sina CJ Ramos, 22, construction worker ng Pinagbuhatan, […]
-
Marvel’s Shang-Chi Confirmed To Release Only In Theaters By Disney
MARVEL Studios’ Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings movie will release only in theaters on September 3 according to the Disney CEO Bob Chapek. The second movie in the Marvel Cinematic Universe Phase 4 is set to introduce Simu Liu as the titular hero, Shang-Chi. As has been confirmed by the film’s title […]