• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dagdag na bus at bus stops sa EDSA busway, balak ng DOTr

PLANO  ng Department of Transportation (DOTr) na makapagdagdag pa ng mas maraming bus at makapagbukas ng mas marami pang bus stops para sa EDSA Busway.

 

 

Bunsod na rin anila ito nang nakatakda nang pagbubukas ng klase sa Lunes, Agosto 22, at pagbabalik na rin ng face-to-face classes sa bansa.

 

 

Ayon kay DOTr Secretary Jaime Bautista, nagbukas na sila kamakailan ng dalawang busway stations sa Roxas Boulevard at Macapagal Avenue ngunit nagha­hanap pa sila ng iba pang lugar na maaaring paglagyan ng mga bus stops.

 

 

Iniulat din niya na sa ngayon ay mayroon nang halos 400 bus units ang bumibiyahe sa EDSA Busway.

 

 

Aniya pa, nakipagpulong na rin ang DOTr sa consortium na nag-o-operate ng EDSA Carousel at hiniling sa mga ito na mag-deploy pa ng karagdagang bus, lalo na sa pagsisimula na ng klase sa bansa.

 

 

Ang EDSA Busway, na magkatuwang na programa ng DOTr, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ay mayroong 17 operational stations sa ngayon, kung saan sila pinapayagang magsakay at magbaba ng mga pasahero.

 

 

Kasalukuyan itong nagkakaloob ng libreng sakay para sa mga commuters na bumibiyahe sa EDSA.

 

 

Ang naturang libreng sakay, na pinasimulan noong panahon ng administrasyong Duterte, ay pinalawig ni Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at inaasa­hang magpapatuloy hanggang sa Disyembre 31, 2022.

Other News
  • Vulcanizing, talyer, carwash, dapat bang payagan sa mga pangunahing lansangan?

    MARAMING reklamo ang natatanggap ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) tungkol sa mga talyer, carwash, vulcanizing shops at iba pang katulad na negosyo na ginagawang “motorshop” ang mga bangketa at lansangan.   Ito yung mga carwash services na walang sariling lugar ay sa kalsada nagpapaligo ng sasakyan. Mga talyer o motorshops na ang […]

  • 11 malls sa bansa handa na sa BSKE

    HANDA na ang 11 SM at Robinsons malls sa bansa na pagdarausan ng Barangay at SK Election sa October 30.     Ayon kay Comelec spokesman Atty. John Rex Laudiangco, kabilang dito ang 2 malls sa Cebu at isa sa Legaspi, Bicol at 8 sa Metro Manila tulad sa Robinsons Galleria at SM Fairview.   […]

  • Venue ng opening ceremony ng Paris Olympics pinag-aaralang ilipat

    Pinag-aaralan ngayon ni French President Emmanuel Macron ang paglilipat ng lugar ng opening ceremony ng Paris Olympcs.       Sinabi nito na mula sa River Seine ay maaring gawin na lamang ito sa Stade de France o Stadium gaya ng ordinaryong ceremony.       Inoobserbahan pa kasi ng mga otoridad ang lugar kung […]