Vulcanizing, talyer, carwash, dapat bang payagan sa mga pangunahing lansangan?
- Published on October 2, 2020
- by @peoplesbalita
MARAMING reklamo ang natatanggap ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) tungkol sa mga talyer, carwash, vulcanizing shops at iba pang katulad na negosyo na ginagawang “motorshop” ang mga bangketa at lansangan.
Ito yung mga carwash services na walang sariling lugar ay sa kalsada nagpapaligo ng sasakyan. Mga talyer o motorshops na ang trabaho para sa kanilang mga customers ay sa lansangan ginagawa. Talamak ito ngayon kahit sa mga pangunahing lansangan. Resulta – traffic, illegal paking at pagkasira ng mga kalsada at bangketa.
Minsan ay nakakita tayo ng ganito sa kahabaan ng Banawe Ave. sa Quezon City at natabunan na ng langis at grasa ang sidewalk dahil sa kalsada nga nagtatrabaho ang nga nasa motorworks na ‘to. Kung tutuusin ito nga ang sinasabi ni Presidente Digong na to liberate our roads from private use and to bring them back to the people.
Ang katuwiran naman ng mga ito ay bakit daw sila babawalan sa lansangan e yung serbisyo nila ay kailangan sa lansangan. Pero bakit hindi nila gawin ang trabaho sa kanilang bakuran at hindi sa lansangan lalo sa public sidewalk.
Malimit pa walang business permit ang mga ito. Kung meron man ay hindi para sa motorworks gaya ng pagbebenta ng spare parts ng sasakyan pero hindi pagawaan ng sasakyan. Pati mga junk o abandoned vehicles ay nakabalandra sa kalye – ito yung mga matagal nang nakatiwangwang sa harap ng mga motorshops dahil hindi pa maipagawa.
Unfair ito sa mga ligal at reputable na mga motorshops, mga carwash establishments na nasa maayos na pwesto at may sariling pagawaan at hindi sagabal sa mga public walkways.
Sumusunod itong mga ligal na negosyo sa batas at hindi inaabuso ang permit na ipinagkaloob sa kanila. Maraming tatamaan kung sakaling ipagbawal at paalisin na talaga ang mga iligal at mga sagabal. Maraming aangal.
Pero mas marami ang matutuwa dahil maibabalik natin ang mga lansangan sa tao at hindi na magagamit ang mga ito sa negosyo ng iilan lang.
Malimit ang nabibiyayaan ay tahimik lang na nasisiyahan at ang mga abusado pag itinatama ay sila pa ang mga maiingay at mareklamo. Subaybayan natin ito at matyagan. (Atty. Ariel Enrile-Inton)
-
3 nalambat sa buy bust sa Caloocan at Valenzuela
Kulong ang tatlong hinihinalang drug pushers matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela cities. Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y ilegal […]
-
‘Tár’ New Trailer Showcases Cate Blanchett Performance, Earned Her Oscar Buzz
THE new trailer for the Cate Blanchett vehicle Tár shows off the powerhouse performance that has earned her Oscar buzz. Blanchett is an actress known for her versatility and range, with her abilities spanning from thrillers like 1999’s The Talented Mr. Ripley to dramas like 2015’s Carol to TV miniseries like FX’s Mrs. America, […]
-
Inaming may insecurity na pilit niyang itinatago: BEAUTY, nakararanas pa rin ng anxiety na nauuwi sa panic attacks
INAMIN ni Beauty Gonzalez sa isang vlog na meron siyang insecurity sa kanyang sarili na pilit niyang itinatago sa maraming tao. Kung inakala raw ng marami na confident siya sa lahat ng bagay, hindi raw totoo iyon dahil madalas daw siyang makaranas ng anxiety na nauuwi sa pagkakaroon ng panic attacks. […]