• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dagdag na pondo para sa paggawa ng plaka, hiling ng LTO sa susunod na administrasyon

HUMILING ang Land Transportation Office (LTO) sa susunod na administrasyon ng dagdag na pondo para sa paggawa ng plaka.

 

 

Ito ay sa kadahilanang nasa 11 milyon na ang backlog ng LTO sa paggawa ng plaka ng motorsiklo.

 

 

Sa isang press conference ay sinabi ni Department of Transportation, LTO chief Assistant Secretary Edgar Galvante na sa ngayon ay nasa pitong milyong plaka na ang kanilang natapos at umaasa pa aniya sila na maglalaan pa ng dagdag na pondo ang Marcos administration para rito.

 

 

Patuloy kasi aniyang nadadagdagan at dumadami ang mga indibidwal na bumibili ng motor kada taon na may average increase na P1.2 milyon hanggang P1.3 milyon dahilan kung bakit kinakailangan din nilang magtrabaho ng overtime upang mahabol ito.

 

 

Matatandaan na una nang humingi si Galvante ng P2.6 bilyon para tugunan ang backlog ng kagawaran dahil sa naging problema nito kabilang na ang outsourcing ng produksyon ng mga plaka dahil hindi sa kawalan ng kakayahan ng mga planta sa bansa na tugunan ang paggawa ng plaka. (Daris Jose)

Other News
  • 2 nadakma sa higit P1 milyon shabu at granada sa Navotas

    MULING naka-iskor ng tagumpay ang Northern Police District (NPD) sa kanilang laban sa ilegal na droga kasunod ng pagkakatimbog sa dalawang drug pushers at pagkakakumpiska ng mahigit ng P1 milyon halaga ng shabu at granada sa buy-bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni NPD Director P/BGen. Ulysses Cruz ang […]

  • Two-night concert naging matagumpay: ICE, na-starstruck sa idol na si ALANIS at labis ang pasasalamat

    KAHIT maulan naging matagumpay ang two-night concert ng international artist na Alanis Morissette na ginanap sa SM Mall of Asia Arena, Pasay City, na kung saan naki-jamming ang Filipino fans sa mga hit songs niya.     Inaabangan din ng mga music lovers ang isa sa mga highlight ng Manila leg ng “Jagged Little Pill”. […]

  • SHARON, nag-react sa basher at okay lang pintasan sila ni SEN. KIKO basta nakatutulong

    NAG-POST si Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Instagram ng video ng pagtulong ng husband niyang si Senator Kiko Pangilinan sa mga kababayan sa Porac.     Caption niya: “Sabi ko kay Kiko, dapat nilalabas niya ang mga ginagawa niyang pagtulong, kasi laging patago! Di yung puro pang-file lang para makita ng mga apo namin pagdating […]