Dagdag pondo sa mawawalan ng trabaho sa lockdown
- Published on August 4, 2021
- by @peoplesbalita
Nanawagan ng dagdag na pondo ang Department of Labor and Employment (DOLE) na gagamitin umano sa pagtulong sa mga ‘formal at informal workers’ sa Metro Manila na inaasahan na mapuputulan ng pagkakakitaan sa 14 na araw na enhanced community quarantine (ECQ).
Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na may naiwan pang pondo ang Department of Budget and Management (DBM) at ang Office of the President sa kanilang tanggapan para sa mga mawawalan ng trabaho.
“Mas mabuti sanang dagdagan nila kasi we have to be very ready for any eventuality kung talagang matindi ang epekto nitong ECQ (enhanced community quarantine),” paliwanag ng kalihim.
Sinabi niya na pinag-uusapan na ng DOLE, Department of Trade and Industry, Department of Health at Department of Social Welfare (DSWD) kung anong uri ng tulong ang ibibigay sa mga apektadong manggagawa.
“Hindi lamang 15 days na mawawalan ng trabaho ’yung ating mga kababayang manggagawa, kundi simula rin ngayon… Ang kasunod niyan, gutom ang katumbas sa mga manggagawa natin,” giit pa ng kalihim.
Sa kasalukuyan, maaari pa ring maka-avail ang mga formal workers ng isang beses na cash assistance na P5,000 sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measure Program (CAMP), habang ang mga informal workers ay binibigyan ng trabaho sa ilalim ng TUPAD na may suweldo na katumbas ng ‘minimum wage’.
-
Skyway 3 toll fee simula na sa July 12
Sisimulan na ng San Miguel Corp. (SMC) ang pangongolekta ng toll fee sa Skyway Stage 3 sa darating na July 12 kung saan tumagal din ng pitong (7) buwan ang libreng paggamit ng 18-kilometer na Skyway 3. Gamit ang bagong toll fee matrix na mas mababa kaysa sa dating inihain na toll fees, […]
-
Higit P1bilyong pondo ng DepEd nasayang — COA
Gumastos umano ang Department of Education (DepEd) ng P1.064 billion para sa unusable digital infrastructure project kahit na ang key components ng sistema ay hindi naibigay. Batay sa 2023 Commission on Audit (COA) report, nagbayad ang DepEd ng higit 78% ng P1.356-B kabuuang halaga ng proyekto sa isang contractor kahit na may problema sa financial […]
-
Congresswoman Vilma Santos-Recto, excited na sa magiging apo kina Luis at Jessy
Thankful si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza na siya ang kinuha ng “Magpakailanman” para bumida sa special Christmas presentation at all-new episode ng #MPK ngayong Sabado, December 19. “First time ko po kasing makakatrabaho ang dalawang mahuhusay na stage actors and singers na sina Sir Robert Sena at Ma’am Isay Alvarez,” kuwento ni Barbie. […]