Dahil kailangang mag-stay ng three months sa Korea: MARIAN, tinanggihan na ang offer na maging ina ni KIM SEON HO sa pelikula
- Published on June 4, 2022
- by @peoplesbalita
TOTOO nga pala na may offer kay Marian Rivera na gumanap bilang Filipina mom ng South Korean actor na si Kim Seon Ho sa Korean film nito na Sad Tropics.
Ito ang project na nagtuloy-tuloy gawin ni Seon Ho after his scandal. Nang lumabas ang balitang ito, minessage na namin si Marian at tinanong. Pero, “secret” kasunod ang smiley face na sagot niya.
Pero ‘yun nga, tinanggihan daw ni Marian ang offer. Ang dahilan, same reason din kung bakit hindi niya magawang tumanggap ng teleserye sa GMA Network.
Eh, kinakailangan pang mag-stay siya sa Korea for three months for the filming. Bilang sa Korea, talagang buwan ang binibilang ng filming ng isang pelikula.
Malinaw kay Marian ang priority niya at ito ay ang kanyang pamilya, lalo na ang dalawang anak nila ni Dingdong Dantes na sina Zia at Sixto.
***
NAKARARAMDAM na kami ng awa kay Andrea Brillantes.
Aba, mukhang hindi talaga siya tinatantanan ng mga haters at bashers niya.
Si Andrea ang teenstar pa lang, pero sangkaterba as in milyon-milyon ang followers sa social media.
In fact, si Andrea nga yata ang most followed celebrity in Tiktok. Pero at the same time, si Andrea rin yata ang most bashed na celebrity.
Simula pa nang maging very vocal siya sa pagiging isang Kakampink at isa sa nag-all-out na sumuporta kay VP Leni Robredo.
Hanggang ngayon sa kanyang relationship with Ricci Rivero. Pati pananalita niya na until now, pabebe pa rin daw. Bawat galaw ni Andrea, may nasasabing negative sa kanya ang mga bashers niya.
Pero ang nakakaloka, ‘yung old video ni Andrea noong 2015 pa kunsaan, masasabing isa sa “scandal” daw noon ay nagre-resurface o lumalabas na naman ngayon. Sinasabing wala naman daw ibang gagawa nito kung hindi ang mga haters ng actress.
Bata pa si Andrea noon at never niyang sinagot ang tungkol sa scandal video. Ngayon kaya ay ia-address na niya ito?
***
SA rami na ng mga naghiwalay na showbiz couple, bakit parang ang hiwalayan talaga nina Moira dela Torre at ng kanyang musician husband na si Jason Hernandez ang nag-trigger para marami ang mag-push na ipasa na ang Divorce Bill sa bansa.
Bukod pa rito, naging isyu na rin ang mga groom na umiyak during their wedding. May mga nag-compile tuloy ng ilang showbiz couple na hiwalay na ngayon at umiyak ang groom noong ikinasal.
Isa sa nag-react dito ay ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi. Napatanong pa ito na, “Is it true that if a man cries in a wedding he has a better chance of divorce?”
Eh, may sampung taon na halos kasal si Yasmien sa kanyang mister na si Rey Soldevilla, isang piloto.
Ipinost pa ni Yasmien ang picture ng mister niya noong ikinasal sila para may proof na hindi raw talaga ito umiyak.
Feeling ni Yasmien, hindi sila kasama sa posibleng magkahiwalay o mag-divorce kaya parang na-relieve ito. Sey niya, “buti nalang hindi umiyak si Pangga. You didn’t even cry. Love you!”
(ROSE GARCIA)
-
VP Robredo bumanat vs 4 na karibal sa halalan
HINDI bibitaw sa pangangampanya para sa pagkapangulo si Bise Presidente Leni Robredo matapos pagkaisahan ng kampo ng mga katunggaling sina Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Sen. Panfilo Lacson, Sen. Manny Pacquiao at Norberto Gonzales sa isang joint press briefing. Linggo nang manawagan sina Domagoso na dapat nang umatras sa presidential race si […]
-
Nograles vs. Duterte sa Davao City
MAGLALABAN bilang representante para sa unang distrito ng Davao City sina Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Partylist Rep. Margarita “Migs” Nograles at incumbent Davao City Rep. Paolo Duterte. Opisyal na naghain (Martes) ng umaga ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si Nograles sa opisina ng Commission on Elections (COMELEC) sa may Magsaysay Park […]
-
PBBM, umaasa na makadadalo sa climate change conference sa Dubai
UMAASA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makadadalo sa 2023 United Nations Climate Change Conference sa Dubai sa Disyembre ngayong taon. “I hope we will be able to attend because climate change is a primordial issue,” ayon kay Pangulong Marcos. Si UAE Ambassador Extraordinary at Plenipotentiary Mohamed Obaid Salem Alqataam Alzaabi […]