• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil mas nag-grow bilang aktres nang maghiwalay: THEA, nagpapasalamat pa sa ex-boyfriend na si MIKOY

NAGPAPASALAMAT si Thea Tolentino sa ex-boyfriend na si Mikoy Morales dahil mas nag-grow pa raw siya bilang aktres noong maghiwalay sila.

 

 

 

“Nag-break kami because na-feel ko na I can grow more as a person, but not together,” sey ni Thea sa pag-guest niya sa programang ‘Lutong Bahay’ sa GTV.

 

 

Ayon pa sa Kapuso kontrabida, pareho raw sila ni Mikoy na gustong tapusin na ang relasyon nila. Naabot na raw nila ni Mikoy ang peak ng kanilang relasyon.

 

 

“Parang mutual eh. Ako ‘yung nag-initiate. Para sa akin okay siya,” sey ni Thea na in good terms pa rin with Mikoy bilang magkaibigan.

 

Nagkaroon ng relasyon sina Thea at Mikoy after matapos ang sinalihan nilang contest sa GMA-7 na ‘Protege: The Battle For The Big Artista Break’ noong 2012.

 

Naging on and off ang relasyon ng dalawa. Naghiwalay sila noong 2017 at nagkabalikan in 2019. Naghiwalay sila for good in 2020.

 

***

 

NI-LAUNCH ng GMA Playlist ang latest single ng Sparkle artist singer and actress na si Jeniffer Maravilla.

 

Ang single na ‘Di Na Puwede’, na composed ni Rina Mercado, ay isang emotional ballad na inspired sa breakup ni Jeniffer sa naging long-term relationship. Tungkol din ito sa love, loss, and healing.

 

“This song is a reflection of my journey through heartbreak. It’s a testament to the power of music to heal and connect with others on a profound level. Difficult and painful moments can happen to anyone, and it is during these times that we need to find ourselves. I hope that listeners can find solace and strength in its message,” sey ni Jeniffer.

 

Bukod sa pag-awit, na-enjoy na rin ng The Clash Season 2 alumna ang pag-arte sa teleserye. Lumabas na siya sa I Left My Heart in Sorsogon, Maria Clara at Ibarra, Asawa Ng Asawa Ko at Lilet Matias: Attorney-At-Law.

 

***

 

HINDI mapigilang maiyak ni Taylor Swift dahil magtatapos na ang kanyang Eras Tour. Magaganap ang last show in Vancouver, Canada.

 

“Toronto, we’re at the very end of this tour so you doing that, you have no idea how much it means to me. This tour… I don’t even know what I’m saying anymore. That was… uh, I’m just having a bit of a moment. It’s not even the last show!

 

“My band, my crew, all of my fellow performers, we have put so much of our lives into this. And you’ve put so much of your lives into being with us tonight and to giving us that moment that we will never forget. I love you guys. Thanks so much for that.”

 

The Eras Tour will come to a record-breaking end after three sold-out shows at BC Place in Vancouver on December 6, 7, and 8.

 

Nakatanggap naman ng six Grammy nominations ang album ni Taylor na The Tortured Poets Department: Album of the Year, Best Pop Vocal Album, Record of the Year, Song of the Year, Best Music Video and Best Pop Duo/Group Performance.

 

 

 

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Si Maja ang unang nakaalam sa good news: RUBY, puring-puri si NICOLE KIDMAN na aliw na aliw sa kanya

    SA intimate presscon na pinatawag na Cornerstone Entertainment, masayang ikinuwento ni Ruby Ruiz kung paano niya unang nalaman na nakuha niya ang role sa ‘Expats’ bilang Essie, ang nanny at housekeeper ng family ni Margaret na ginagampanan ni Hollywood star Nicole Kidman.   Nasa taping sila noon ni Maja Salvador ng ‘Niña, Niño’ sa Dolores, […]

  • NCR, Bulacan, Batangas, Tacloban at Bacolod nasa GCQ – PRRD

    Mananatili sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila simula Septembre 1-30.   Ito mismo ang inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte base na rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.   Kabilang na nasa ilalim ng GCQ ang mga probinsiya ng Bulacan, Batangas at lungsod ng Tacloban at Bacolod.   Habang […]

  • Jaylen Brown, Boston pinahiya Brooklyn sa sariling teritoryo

    NAGSUMITE ng double-double sina Jaylen Brown at Jayson Tatum at pinutulan ng Boston ng four-game win streak si Kevin Durant at Brooklyn via 103-92 win nitong Linggo sa Barclays Center.     Pero hindi raw ang 34 points, 10 rebounds ni Brown at 29-11 ni Tatum ang susi sa panalo.     “Our defense definitely […]