• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NCR, Bulacan, Batangas, Tacloban at Bacolod nasa GCQ – PRRD

Mananatili sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila simula Septembre 1-30.

 

Ito mismo ang inanunsiyo ni Pangulong Rodrigo Duterte base na rin sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

 

Kabilang na nasa ilalim ng GCQ ang mga probinsiya ng Bulacan, Batangas at lungsod ng Tacloban at Bacolod.

 

Habang nasa Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ sa Iligan City at ang natitirang bahagi ng bansa ay mananatili sa modified general community quarantine (MGCQ).

 

Dagdag pa ng pangulo na hanggang wala pang bakuna laban sa coronavirus ay dapat sundin pa rin ng mga mamamayan ang ipinapatupad na health protocols gaya ng physical distancing, paghuhugas ng kamay at pagsuot ng face mask.

Other News
  • ‘Restrictions’ sa COVID situation sa NCR, ‘di pa puwede luwagan

    Bumubuti na ang sitwasyon ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa National Capital Region (NCR).     Ito ay ayon sa OCTA Research Group kung saan mula sa high risk area ay ibinaba na rin ito sa moderate risk area para sa COVID-19.     Ayon kay Professor Guido David ng OCTA Research Group, ang seven-day […]

  • Jason Tatum sinisi ang sarili sa pagkatalo ng team, babawi na lang daw sa Game 5

    SINISI ni NBA All-Star Jayson Tatum ang kanyang sarili sa pagkatalo ng Boston Celtics kanina sa kamay ng Golden State Wariors sa Game 4 ng NBA Finals.     Ayon kay Tatum, responsibilidad niya kung bakit kinapos ang Boston.     Aniya, kailangan na mas episyente ang kanyang diskarte, maayos na tira para mas umepekto […]

  • Pagpapalawig sa libreng Sakay extension sa EDSA buses, LRT-2 trains sa Metro Manila, muling ipinanawagan

    IKINAGALAK ni CamSur Rep. LRay Villafuerte ang desisyon ng palasyo na palawigin pa hanggang Disyembre ngayon taon ang free bus ride program nito sa EDSA.     Gayunman, umapela ang mambabatas sa dalawang kapulungan ng kongreso na mag-realign ng pondo sa General Appropriations Act (GAA) upang makapaglaan ang pamahalaan ng pondo upang mapalawig pa hanggang […]