Dahil pag-aari ang trademark na ‘Eat Bulaga’ at ‘EB’: TAPE, Inc., sinagot ang reklamong ‘copyright infringement’ ng TVJ
- Published on July 15, 2023
- by @peoplesbalita
SINAGOT ng Television and Production Exponents (TAPE) Inc. ang reklamong copyright infringement and unfair competition na inihain laban sa kanila nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon.
Sa ulat ng GMA News “24 Oras” nitong Miyerkules, sinabing inihain ng mga dating host ng “Eat Bulaga” ang reklamo sa Marikina Regional Trial Court.
Naglabas naman ng pahayag tungkol sa reklamo ang legal counsel ng TAPE Inc. na si Atty. Maggie Garduque.
Ayon kay Garduque, “It is not a copyright infringement. Eat Bulaga name, the design of the name and the logo is a trademark and not subject of copyright.”
“TAPE Inc. has the registration of the tradename Eat Bulaga so they cannot file infringement against the registered owner of the trademark. Their petition for cancellation of trademark of Eat Bulaga is still pending before the IPO and until such time that said petition is granted, the trademark Eat Bulaga and EB will be owned by TAPE Inc,” patuloy pa ng abogado.
Kasama rin sa reklamo ang GMA Network Inc., kung saan ipinapalabas ng TAPE Inc. ang “Eat Bulaga” bilang blocktimer.
“We will refer the complaint to our legal counsel, Belo Gozon Elma Parel Asuncion and Lucila Law Offices,” ayon sa inilabas na pahayag ng network.
Nitong nakaraang Mayo 31 nang kumalas sina Tito, Vic, Joey, at iba host ng “Eat Bulaga” mula sa TAPE Inc.
***
MARAMI ang hindi maka-move on matapos panoorin ang very intense trailer ng first-ever film ng GMA Public Affairs under GMA Pictures na ‘The Cheating Game’ na pinagbibidahan nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.
Unang inilabas ang trailer noong Martes, July 11, pagkatapos ng 24 Oras na lalong ikina excite ng JulieVer fans na ready nang manuod sa sinehan this July 26.
Siguradong lalong na-curious ang viewers sa pelikula dahil napakaraming emosyong mararamdaman, trailer pa lang. Makikita ring hindi ito isang ordinary romantic drama at mukhang maraming eksenang talagang magmamarka sa moviegoers.
Dagdag din syempre ang powerful cast kasama sina Martin Del Rosario, Winwyn Marquez, Yayo Aguila, Candy Pangilinan, Phi Palmos, Thea Tolentino, Paolo Contis, at marami pang iba.
***
NATARANTA sa pag-alala si Beyonce dahil naging biktima ng major burglary ang kanyang inang si Tina Knowles.
Ayon sa report ng TMZ, pinasok ang bahay ni Tina sa Los Angeles at tinangay ng mga ito ang higit na $1 million in cash at mga mahahaling alahas.
Gustong malaman ni Beyonce kung paano nakapasok ang mga magnanakaw sa estate ng kanyang ina. Highly secured daw ang bahay nito at maraming cameras sa paligid.
Ayon sa Los Angeles police department, pinag-aaralan na nila ang mga video footages at kinakausap na nila ang ilang kapitbahay ni Tina kung may nalalaman sila sa naging break-in.
Noong bilhin nila Beyonce at Jay-Z ang bahay bilang regalo nila kay Tina, sinigurado nila na equipped ito with the best security. May ilang nang reports ng pag-akyat-bahay ng ilang gangs sa mga malalaking bahay ng celebrities sa Los Angeles. Hindi inakala ni Beyonce na magiging biktima pa ang kanyang ina.
Sa ngayon ay nakatira si Tina sa bagong biling bahay ng mag-asawa sa Malibu, California na nagkakahalaga ng $200 million.
(RUEL J. MENDOZA)
-
BSP gov: Walang dapat ipangamba sa paghina ng piso
WALANG dapat na ipangamba ang publiko sa paghina ng piso kontra dolyar. Ito ang sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. at incoming Finance Secretary Benjamin Diokno matapos pumalo sa P54.47 ang piso kontra dolyar. Itinuturing kasi na ito ang pinakamahinang halaga nito sa loob ng halos 17 taon. […]
-
Jackie Chan, magsisilbing torchbearer sa nalalapit na pagbubukas ng Paralympics 2024
MAGSISILBING isa sa mga torchbearer si Hong Kong-born martial arts actor Jackie Chan sa nalalapit na opening ceremony ng Paralympics sa Paris, France. Ang 70 anyos na martial artist ay naatasang magbitbit sa Paralympic torch sa Paris at ipaparada ito ilang oras bago ang nakatakdang opening ceremony. Unang sinindihan […]
-
NFL star Tom Brady muling maglalaro matapos ang 2 buwang magretiro
INANUNSYO ni NFL star Tom Brady na ito ay muling maglalaro. Ito ay dalawang buwan matapos ang anunsiyo nitong tuluyang pagreretiro. Sa kanyang Instagram account ay sinabi nito na matapos ang pamamahinga ng dalawang buwan ay napagtanto niya na nasa football field ang kaniyang puso. Kaya ito maglalaro sa […]