• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa advance ticket sales para sa Oct. 13: ‘The Eras Tour’ ni TAYLOR SWIFT, kumita na ng higit sa $100 million worldwide

HINDI pa man naipalalabas, kumita na in advanced ticket sales ang concert film ng ‘The Eras Tour’ ni Taylor Swift. 

 

 

Ayon sa official distributor na AMC Theaters: “It has surpassed $100 million worldwide in advance ticket sales.”

 

 

Sa October 13 na ipapalabas sa 8,500 cinemas across 100 countries ang record-breaking stadium tour ni Taylor.

 

 

Dahil sa advanced ticket sales, assured na raw na ito na magiging isa sa biggest domestic debuts tulad ng mga Hollywood films na ‘Barbie’ ($162 million), ‘The Super Mario Bros. Movie’ ($146 million), ‘Spider-Man: Across the Spider-Verse’ ($120 million), ‘Guardians of the Galaxy Vol. 3’ ($118 million) and ‘Ant-Man and the Wasp: Quantumania’ ($106 million).

 

 

***

 

 

KINORONAHAN bilang bagong Philippine Drag Superstar ang 43-year old TransQueen from Ilocus Sur na si Captivating Katkat.

 

 

Naganap ang grand finale ng ‘Drag Race Philippines’ season 2 noong October 4 at kinabog ni Captivating Katkat ang nakalaban niya sa “lipsync for the crown” na si Arizona Brandy na taga-Makati City.

 

 

Ang dalawang finalists na nag-“sashay away” ay sina Bernie na taga-Mandaluyong at M1ss Jade So from Marikina.

 

 

Bukod sa crown and septer, napanalunan ni Captivating Katkat ay P1 million cash prize and a year’s supple of Anastacia Beverly Hills cosmetics. Magiging representative din siya ng Philippine Drag Community sa iba’t ibang global drag events.

 

 

Present sa grand finale ang season one winner na si Precious Paula Nicole at ang iba pang contestants na sina Nicole Pardaux, Astrid Mercury, Tiny Deluxe, Veruschka Levels, Matilduh, DeeDee Marie Holiday, OV Cunt and Hana Beshi na nanalong Miss Congeniality.

 

 

Hosted by Paolo Ballesteros, ang ibang judges sa grand finale ay sina KaladKaren, Jiggly Caliente, Jon Santos, BJ Pascual and Rajo Laurel.

 

 

‘Drag Race Philippines’ is produced in the Philippines by Fullhouse Asia Production Studios, Inc., in conjunction with World of Wonder Productions, Inc.

 

 

***

 

 

PUWEDE na raw magdesisyon sa mga perang kinikita niya sa showbiz si Jillian Ward dahil 18 years old na siya.

 

 

Inamin ng Abot-Kamay Na Pangarap star na medyo magastos daw siya noon tuwing may malaking kinikita siya. Ngayon daw ay mas wise na raw siya sa paghawak ng perang kinikita niya.

 

 

“Ngayon po medyo mas nagiging mature na po ako. Naisip ko na po ‘yung long-term. Actually, ibinenta ko na po ‘yung ibang mga cars ko at kapalit po nun, bumili ako ng lote.

 

 

“Sini-secure ko na rin po ‘yung future ko kasi 13 years na po ako nagwo-work, since baby pa po ako so sayang naman kung parang hindi ko po maalagaan ‘yung mga earnings.

 

 

“Sina Mama at Papa, nandiyan po sila. Gina-guide po nila ako. So, ayun lang po mas medyo careful po ako ngayon,” sey ng tinatawag ngayon na Star of the New Gen.

 

 

Muling magbibida si Jillian sa one-month special ng ‘Daig Kayo ng Lola Ko: Captain Kitten’. Isang high school student si Jillian na biglang naging super hero.

 

 

Kasama rito ni Jillian sina Gabby Eigenmann, Kim Perez at Shuvee Entrata.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Gobyerno, ipinagkaloob ang house and lot sa limang masuwerteng benepisaryo

    DREAM COME TRUE para sa limang benepisaryo ng government assistance matapos na mabunot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanilang pangalan sa  raffle para sa house and lot packages sa idinaos na 121st Labor Day celebration sa SMX Convention Center sa  Pasay City, araw ng Linggo.  Nabunot ng Pangulo ang pangalan nina  Cipriano Basalio, Ana […]

  • Matapos silang maghiwalay ni KC: GENEVA, ni-reveal na minsan nang tumira sa bahay nina KRIS at JAY-R

    MUNTIK maging biktima ng panggagahasa ang Vivamax actress na si Aiko Garcia.   Lahad ni Aiko, “Muntikan, muntikan! Mga ten years ago. Nasa grade school ako. Nagkataon lang na mag-isa ako sa house and good thing naman alert ako that time.”   Kilala ni Aiko ang kapitbahay nila na nagtangka siyang halayin.   “Sinadya niya, […]

  • 7 MILYON DEACTIVATED NA BOTANTE, PINAPAREHISTRO SA COMELEC PPCRV

    HINIMOK ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa mga botante na deactivated na ang kanilang voters registration na muling magpatala sa Commission on Elections (Comelec).   Partikular na hinikayat ng PPCRV  ang mga hindi nakaboto ng dalawang magkasunod na halalan lumipat ng tirahan nagpalit na ng pangalan o mga Overseas Filipino Workers na […]