• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa expired colored contact lenses: MARICAR, nabulag na kung hindi naagapan

KALAT na kalat na sa buong Distrito Uno ng Tondo na tatakbong Kunsehal ang anak ng dating Mayor Isko Moreno na si Joaquin Domagoso.
Pero wala pa ring kumpirmasyon mula sa kampo ni Yorme. Ayon pa kay Joaquin nang makausap namin sa Iloilo kung saan ginanap ang seminar ng mga Barangay officials ng Maynila ay naghihintay pa rin daw siya ng “go signal” mula sa partido ng kanyang amang si Yorme Isko.
Alam naman daw ni Joaquin na hindi ganun kadaling maging isang pulitiko pero ang lahat naman daw ay kayang pag-aralan sa tulong siyempre ng ama na ilang taon din namang nanungkulan sa Maynila bilang Kunsehal, Vice Mayor at Mayor.
Mula nang maging isang ganap na ama ay maraming mga natutunan si Joaquin sa buhay. At sa edad na 22 years old ay ginagawa umano ng aktor ang lahat ng makakaya para sa anak.
“I can work harder than I think I can’t. There are things before that I feel like, ‘Kaya ko ‘yan, pabayaan na lang, huwag na.’ You have to do this, you have to do that. But now that I am old, I am a father, I have to do things for myself. I am a role model na rin eh. “Kumbaga if I do these things, my son won’t, hindi niya ako susundin. And working a 9 to 5 job, realizing how other people would go through it. ‘Yung tipong you wake up for your son, then you do all these things.
“Then at the end of the day, uuwi ka, hinihintay ka pa rin. All the joys, ‘yung purpose ko sa buhay nabuo,” sambit pa rin ng aktor sa interbyu sa kanya sa “Fast Talk with Boy Abunda”
Umaasa naman si Joaquin na ang anak niyang si Scott ay magmamana sa pagiging madiskarte ng kanyang ama.
***
KUNG hindi naagapan ay isang bulag na raw sana ngayon ang aktres na si Maricar Reyes.
Ito ay dahil sa pagsusuot ng contact lenses last 2010 pa nang magsimulang magsuot ng colored contact lenses ang aktres.
Pero kamakailan lamang ay nakaramdam ng matinding sakit sa dalawang mata si Maricar. Ito ay dahil sa nagamit niyang expired lenses.
“Three days akong halos bulag dahil sa maling pagsuot ng contact lens. A few months ago, after wearing my colored contact lenses for about 12 hours, nakaramdam ako ng konting pain sa mata.
“I thought it’s just normal, pagod lang. No’ng tinanggal ko ‘yung contact lenses ko before going to sleep at natulog na ako. Then at around 3 a.m., nagising ako to the most excruciating eye pain in my entire life.
“Sa sobrang sakit kinailangan akong dalhin sa E.R. at around 5 a.m. At 11 a.m. sobrang sakit pa rin, ibinalik ako sa E.R., for the next three days halos hindi ko maidilat ‘yung mga mata ko sa sobrang sakit at namamaga,” pagdedetalye ni Maricar sa kanyang TikTok account.
Ayon pa sa doktor na tumingin kay Maricar ay nagkaroon daw ng corneal abrasions ang mga mata ng aktres.
Ito ay ang malalaking gasgas sa magkabilang cornea kung saan nakapatong ang contact lenses.
Hindi umano namalayan ng aktres na expired na ang contact lens na ilang araw niyang gingamit.
“Sa tagal-tagal ko nang nagko-contact lens, mga 12, 15 hours sa taping. Tapos minsan expired pa, bakit ngayon lang nangyari ito?
“Kahit ano pa ang excuse ko, hindi pa rin mawawala ang bottomline na naging iresponsable ako. Masyado akong naging kampante dahil for many years, walang masamang nangyayari,” pagbabahagi pa ni Maricar.
Kaya ngayon ay maingat ns si Maricar at dahil sa hindi magandang pangyayari sa kanyang mga mata ay umaasa ang aktres na magsisilbing aral din sa lahat ng mga gumagamit ng contact lenses.
“After 7 days, gumaling naman ‘yung mga sugat ko sa mata. Sabi ng ophthalmologist ko, napakaswerte ko daw dahil sa laki ng mga sugat ko sa mata, pwede akong magkaroon ng mga peklat or mga puti-puti sa paningin ko habangbuhay.
“Buti na lang naagapan at hindi ako naging pasaway sa paglagay ng gamot na nireseta nila,” pagkatapos pa ni Maricar Reyes.
(JIMI C. ESCALA)
Other News
  • Nasa bucket list din sina Alden at Piolo: JENNYLYN, dream na makasama si MARIAN sa drama or comedy

    BONGGA ang interview ni Jennylyn Mercado sa Mega Entertainment dahil ikinuwento ni Jennylyn ang mga artistang nais pa niyang makatrabaho sa isang proyekto, isa na rito ang kapwa niya reyna ng GMA na si Marian Rivera..     Lahad ni Jen, “Hindi ko pa nakakatrabaho si Marian. Hindi naman drama, siguro puwede comedy para iba.” […]

  • Para sa typhoon-impacted communities: South Korea, nagbigay ng P30M sa Pinas

    NAGBIGAY ang South Korean government ng P30 milyon bilang kontribusyon sa Pilipinas para magkaloob ng “critical cash assistance” sa mga typhoon-impacted communities habang ang bansa ay matapang na hinaharap ang marami at sunod-sunod na severe weather disturbances ngayong buwan, ayon sa United Nations World Food Programme (WFP).   Ang pondo ay idinaan sa pamamagitan ng […]

  • Travel ban pinalawak pa

    PINALAWAK ng Bureau of Immigration ang pagpapatupad ng travel ban kabilang na ang North Gyeongsang Province, Daegu at Cheongdo sa South Korea sa gitna ng Covid-2019 outbreak.   Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang nasabing pagpapalawak ng travel ban ay kasunod ng rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases […]