• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa init at pertussis, blended learning ibalik

KASUNOD ng pagbabalik-eskwela matapos ang Mahal na Araw, hinimok ni Senador Win Gatchalian ang mga punong-guro na magpatupad muna ng blended learning sa gitna ng pangamba ng mga magulang sa banta ng pertussis o whooping cough at mainit na panahon.

 

 

“Nais nating paalalahanan ang mga punong-guro na kung may banta sa kaligtasan ng ating mga mag-aaral, maaaring magpatupad ang mga paaralan ng blended learning lalo na’t pinangangambahan natin ang banta ng pertussis at mas mainit na panahon. Maipagpapatuloy na natin ang edukasyon ng mga bata, mabibigyan pa natin ng prayoridad ang kanilang kalusugan at kaligtasan,” ani Gatchalian, Chairperson ng Senate Committee on Basic Education.

 

 

May anim na lokal na pamahalaan sa Western Visayas ang nagsuspinde na ng klase nitong Abril 1 dahil sa init ng panahon. Nagsuspinde naman ang Iloilo City ng klase noong Abril 1 at ngayong Abril 2 mula pre-school hanggang senior high school dahil sa matinding init.

 

 

Upang matiyak ang pagpapatuloy ng edukasyon, nakasaad sa Department of Education (DepEd) Order No. 037 s. 2022 na kasunod ng pagkansela o pagsuspinde ng mga klase, maaaring magsagawa ng modular distance learning, performance tasks, o make-up classes.

 

 

Matapos ang konsultasyon sa mga stakeholders, kabilang ang mga guro at mga mag-aaral, inurong ng DepEd ang pagtatapos ng School Year 2023-2024 sa Mayo 31 mula Hunyo 14.

 

 

Iniulat din dati ng PAGASA na bagama’t mas kaunti ang mga maulang araw at kanselasyon ng klase dahil sa bagyo sa ilalim ng kasalukuyang school calendar, mas marami naman ang mga araw na tumatama sa matinding init.

 

 

 

Samantala, nagdeklara naman ng mga pertussis outbreaks sa Quezon City at Iloilo City. Nasa ilalim naman ng state of calamity ang Cavite dahil sa pertussis outbreak.

 

 

Iniulat ng Department of Health (DOH) noong Marso 27 na umabot na sa 40 ang namatay dahil sa pertussis mula Enero 1 hanggang Marso 16. (Daris Jose)

Other News
  • Atas ng DSWD sa mga regional director: Bilisan ang pagpapalabas ng food packs

    SINABIHAN ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang mga regional director na bilisan ang pamamahagi ng  relief packs sa mga lugar na apektado ng kamakailan lamang na bagyo at Habagat.      Ani Gatchalian, nagpalabas ang  National Resource Operations Center (NROC) ng libo-libong kahon ng family food packs (FFPs) sa […]

  • Halos 400 PGH healthcare workers nahawa ng COVID-19 habang holidays

    KASABAY ng pagsirit sa bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas matapos ang Kapaskuhan at Bagong Taon ay ang bilang ng mga manggagawang pangkalusugan na tinamaan din nito — ito habang humaharap din sila sa maraming pasyente araw-araw.     Ito ang ibinahagi ng tagapagsalita ng Philippine General Hospital (PGH) na si Jonas del […]

  • Suplay ng tubig sa NCR, sapat sa gitna ng nakaambang El Niño -MWSS

    PINAWI ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang pangamba ng publiko sa agam-agam na posibleng kakulangan sa suplay ng tubig sa gitna ng nakaambang El Niño phenomenon ngayong taon.     Ayon sa ahensiya, mayroong sapat na kapasidad ang Angat dam para matustusan ang kinakailangang tubig sa Metro Manila para sa nalalabing buwan ngayong […]