• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa kilig Tiktok videos nila ni RAYVER: JULIE ANNE, umaming nagulat sa pag-unfollow sa kanya ni JANINE

DAHIL sa mga kilig Tiktok videos ni Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, di napigilang tanungin si Julie tungkol sa pag-unfollow sa kanya sa social media ng ex-girlfriend ni Rayver na si Janine Gutierrez.

 

 

“Nagulat na rin lang po ako. But to be honest, wala na po sa akin ‘yun. May kanya-kanya po tayong reason, wala po akong problem with anybody walang masamang tinapay sa akin and everyone is entitled to their own opinion. Good vibes good vibes lang po tayo,” sey ni Julie.

 

 

Follower pa rin daw ni Janine si Julie sa Instagram: “Naka-follow po ako sa kanya, wala naman po talagang kaso sa akin.”

 

 

Tungkol sa real score with Rayver, ito ang sagot ni Julie: “Mas mabuti pong siya ang tanungin n’yo at sumagot dyan. We’re ok and I’m very happy.”

 

 

Guest ulit ni Julie si Rayver sa last part ng kanyang musical trilogy na Limitless: Rise. 

 

 

***

 

 

PINAGDIINAN ni Troy Montero na hindi na sila magdadagdag ng kanyang fiancee niyang si Aubrey Miles ng isa pang anak.

 

 

Nang tanunging si Troy kung magkakaroon pa ba sila ng isa pang baby ni Aubrey, sagot niya ay “NO” dahil may napagkasunduan na raw sila na tama na ang tatlong anak para ma-enjoy nila ang bawa’t isa.

 

 

Paliwanag pa ni Troy: “We’re happy na with everything now. We’ve already discussed na two boys, one girl, tapos na that’s it. So, we’re just going to enjoy it. I think ‘yung family size and even ‘yung age gap. I think it’s better na we’re finished, happily finished.”

 

 

Hindi raw nakikita ni Troy na nag-aalaga pa siya ng isa pang baby sa kanyang edad. He just turned 50 last year. Iniisip din daw niya ang magiging kalagayan ni Aubrey kapag nagbuntis pa ito in her 40’s.

 

 

Gusto lang daw niyang maging healthy silang dalawa at ma-enjoy pa nila ang isa’t isa kapag naging independent na ang tatlo nilang anak.

 

 

Dalawa ang anak nila Troy at Aubrey na sina Hunter Cody (13 years old) at Rocket (3 years old). Ang anak naman ni Aubrey kay JP Obligacion na si Maurice ay 21 years old na.

 

 

***

 

 

ENGAGED na ang Filipino-American actor na si Nico Santos sa kanyang boyfriend na si Zeke Smith na sumikat sa reality competition show na Survivor.

 

 

Nag-propose si Smith kay Santos sa harap ng live audience sa recently concluded na GLAAD Media Awards.

 

 

Sa Instagram video, makikita na lumuhod si Smith on one knee sa harap ni Santos at sinabing: “Nico, your love has taught me how to love. You are my other half, and I want to spend the rest of my life with you.”

 

 

Nagulat si Santos sa moment na iyon pero mabilis siyang sumagot ng yes. Pagkasuot ng engagement ring sa kanya, nag-share sila ng kiss na ikinatuwa ng audience.

 

 

Si Nico Santos ay napanood sa pelikulang Crazy Rich Asians at naging main cast ng NBC sitcom na Superstore bilang ang undocumented Filipino immigrant named Mateo Aquino Liwanag na nagtatrabaho sa isang discount value store.

 

 

Si Zeke Smith naman ay ang kauna-unahang transgender contestant ng Survivor at naglaro siya sa Survivor: Millennials vs. Gen X and Survivor: Game Changers noong 2017.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • 2 mataas na opisyal ng gobyerno ipapapatay ako – Rep. Teves

    IBINUNYAG ng kontrobersyal na si da­ting 3rd District Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves na dalawang mataas na opisyal umano ng gobyerno ang nagpaplano ng ‘assassination plot’ laban sa kanya.     Si Teves ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo at 8 iba pa.     Sa isang television interview […]

  • Olympian pole vaulter EJ Obiena nagulat matapos pigilan ng US immigration

    NABIGLA umano at hindi makapaniwala ang world pole vaulter na si EJ Obiena matapos pigilan ng mga ahente ng US Department of Homeland Security sa loob ng mahigit 12 oras dahil sa hinalang pagtakas sa mga kasong felony sa Pilipinas sa pagdating nito sa Los Angeles mula sa bansang Italy noong July 7, 2022.   […]

  • Congresswoman Vilma Santos-Recto, excited na sa magiging apo kina Luis at Jessy

    Thankful si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza na siya ang kinuha ng “Magpakailanman” para bumida sa special Christmas presentation at all-new episode ng #MPK ngayong Sabado, December 19.   “First time ko po kasing makakatrabaho ang dalawang mahuhusay na stage actors and singers na sina Sir Robert Sena at Ma’am Isay Alvarez,” kuwento ni Barbie.  […]