Dahil sa mahusay na pagganap sa ‘Hold Me Close’: JULIA, kayang lumaban kina VILMA at JUDY ANN sa pagka-best actress
- Published on November 27, 2024
- by @peoplesbalita
PURING-PURI si Carlo Aquino ang kanyang leading lady na si Julia Barretto, para nakapahusay nitong pagganap sa kanilang 50th Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na “Hold Me Close” na mula sa Viva Films.
Kayang-kaya raw ni Julia na makipagsabayan at lumaban kina Vilma Santos para ‘Uninvited’ at Judy Ann Santos sa ‘Espantaho’.
“Sobrang husay kaya ni Juju dito, ‘di ba direk?” Pahayag ni Carlo the actor sa ginanap na grand mediacon para sa balik-tambalan nila ng aktres.
Ang “Hold Me Close” ang follow-up nila sa 2022 movie na “Expensive Candy,” na mula rin sa direksyon ni Jason Paul Laxamana.
Sagot naman ni Julia na parang nangliliit sa mga papuri, “Sobra ko sila idolo. Even to be mentioned with their name, nakaka-dyahe siya. But I think this film, making it and being included, is such a great honor.”
Ang “Hold Me Close” ay kinunan Karatsu, Japan, tungkol ito kay Woody (Aquino), na isang “wondering soul” na naghahanap ng place na puwedeng tawagin na home, makikilala niya si Lynlyn (Barretto ), isang squid vendor na may kakaibang psychic gift na kung saan may kakayahang malaman kung ano ang maidudulot sa kanya ng mga taong makikilala.
Habang tinalakay ng ‘Expensive Candy’ ang mas mapangahas na tema, tiyak na hatakin nina Julia at Carlo ang ating puso sa ‘Hold Me Close’ ngayong Pasko, na lalong magpapatunay sa kanilang versatility bilang mga aktor.
At sa recent success ng romance movie nina Julia at Joshua Garcia, ‘Un/happy For You’, makakaasa na naman ng movie fans ng isa pang nakaka-engganyong pagganap mula kay Julia.
Ang “Hold Me Close” ang pagbabalik-MMFF ng dalawang bida. Huling napanood si Julia sa 2016 entry na ‘Vince at Kath at James’, habang si Carlo ay kasama sa 2012 entry na ‘Shake, Rattle, and Roll XIV.’
Balik-MMFF din si Direk Laxamana, last year ay siya ang nag-dire ng action-adventure epic na ‘Penduko’. Kilala rin siya sa kanyang matagumpay na mga romantic drama tulad ‘100 Tula Para Kay Stella’ at ‘Just a Stranger’.
Kaya ‘wag palampasin sa Araw ng Pasko ang muling pagsasama nina Julia at Carlo upang makita kung ang pag-ibig ay kaya talagang talunin ang mga pag-iingat ng tadhana.
(ROHN ROMULO)
-
Bunsod ng mga pinsalang idinulot ng Habagat at bagyong Carina… 738 eskuwelahan ipinagpaliban ang pagbubukas ng klase ngayon
KINUMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na hangga’t maaari tuloy ang pagbubukas ng klase ngayong Lunes, July 29,2024 sa mga lugar na kaya naman. Ayon sa Presidente kanya ring ipinauubaya sa pamunuan ng mga eskwelahan ang desisyon kung ituloy ang pagbubukas ng klase o hindi lalo at may mga school buildings ang […]
-
DFA, nangakong bibigyan ng maximun protection’ ang mga Pinoy sa Kuwait
BINIGYANG diin ng Department of Foreign Affairs na bibigyan ng “maximum protection” ang mga Pilipinong nasa Kuwait. Ito ay upang maibsan ang pag-aalala ng migrant community sa Gulf nation kasunod ng biglaang pagsususpinde ng mga bagong entry visa para sa mga Filipino. Ayon sa tagapagsalita ng DFA na si Tessie Daza […]
-
WHO hindi pa rin inirerekomenda ang mga international travel
Patuloy pa rin ang paalala ng World Health Organization (WHO) na hindi pa rin ligtas ang mga international travel. Ayon sa WHO Europe Director Hans Kluge na lahat ng uri ng bakuna ay epektibo sa anumang uri ng variants pero nararapat na maging maingat at kung maaari ay iwasan ang bumiyahe muna sa […]