Dahil sa mahusay na pagganap sa PH adaptation ng ‘The Housemaid’… KYLIE, tatanggap ng ‘Philippines Actress of the Year’ sa DIAFA Awards sa Dubai
- Published on October 22, 2022
- by @peoplesbalita
PINUPURI ngayon ang Kapuso actor na si Juancho Trivino sa pagganap nito bilang si Padre Salvi sa historical portal fantasy series ng GMA na Maria Clara At Ibarra.
Ang husay daw na kontrabida ni Juancho at bilang si Padre Salvi, kuhang-kuha raw nito ang pagiging mabangis at mapanakit na kura paroko na may lihim na pagnanasa kay Maria Clara sa Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal
May isang netizen nga ang nag-tweet na mas nakakatakot pa raw si Padre Salvi kesa kay Valentina sa Darna.
“Padre Salvi is the scariest villain on Philippine primetime TV right now!! Pasensya na muna Valentina!!!” tweet ng netizen na agad na impress noong mapanood si Juancho sa MCAI.
Ang isa pang tweet ay: “Please Juancho mahal kita. But you being Padre Salvi grabe sagad yung gigil ko sayo beh hahahaha”
Pinuri rin ni Kuya Kim Atienza ang performance ni Juancho sa teleserye. Humanga raw siya sa transition ni Juancho mula sa pananakit niya sa mga anak ni Sisa na sina Crispin at Basilio ay bigla itong lumuhod at nagdasal para humingi ng patawad sa kanyang ginawa.
Tweet ni Kuya Kim: “@juanchotrivino you are sooo good, naiinis ako when I see you on TV! Bravo #MCIpagtitimpi”
Nagpasalamat naman si Juancho sa mga natatanggap niyang papuri sa pagganap niya bilang si Padre Salvi. Ini-enjoy lang daw niya ang role na pinagkatiwala sa kanya.
“Ah thanks for this! Im very thankful however attention is not my priority. Gusto ko lang pag butihan ang pinagkakatiwala sakin at galingan ang trabajo.”
***
SI Kylie Verzosa ang tatanggap ng Philippines Actress of the Year award sa DIAFA Awards in Dubai.
Para ito sa naging performance ng former Miss International sa pelikulang The Housemaid.
Ang Vivamax ang nag-produce ng Philippine adaptation ng acclaimed South Korean film na dinirek ni Ramon Perez, Jr. na pinalabas noong 2021. Kasama rito ni Kylie sina Albert Martinez, Jaclyn Jose, Louise delos Reyes at Alma Moreno.
Ayon sa Viva Artists Agency, ang co-management ni Kylie, magaganap ang awards night on November 4 sa Dubai Creek Harbour Marina, United Arab Emirates.
“DIAFA is an annual unique and prestigious red carpet and awards ceremony which honors distinguished personalities from both the Arab and International world, in recognition of their annual achievements and contributions towards committees and society’s betterment,” sey ng VAA.
Natural at natuwa si Kylie dahil napatunayan niya na marunong siyang umarte at hindi lang isang beauty queen-turned-sexy actress ang tingin sa kanya ngayon.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Panukala na magpapalawak sa potensyal ng gastronomiya sa Pilipinas, inihain
BILANG paggigiit sa pangangailangan na ganap na mapalawak ang buong potensyal ng bansa sa gastronomiya, hinimok ng isang mambabatas ang paglikha ng isang ahensiya na magiging responsable sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga polisiya, at pagsasagawa ng mga programa at oportunidad para sa gastronomiya at sektor ng culinary heritage. Iniakda ni Pangasinan Rep. […]
-
Driver ng kontrobersyal na SUV na may plakang “7” lumutang sa LTO, lisensiya nito kinumpiska na
INIHARAP ng Land Transportation Office (LTO) ang driver ng kontrobersyal na sports utility vehicle (SUV) na may “7” protocol plate na ilegal na pumasok sa EDSA Busway at inanunsyo ng ahensya na natukoy na rin ang rehistradong may-ari ng nasabing sasakyan. Ayon kay LTO Chief, Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, ang […]
-
Inanunsiyo isang araw bago ang kanyang kaarawan: VILMA, nagkaroon pa rin ng COVID-19 kahit sobrang ingat na
MAS lalo raw ginagalingan ni Jeric Gonzales ang pag-arte kapag nakararating sa kanya ang pambabatikos ng iba tungkol sa papel niya bilang si Davidson Navarro sa Start-Up PH. Alam niya na hindi lahat ay kaya niyang i-please, na mayroon pa ring ilan na hanggang ngayon ay hindi matanggap na kasali siya sa cast […]