• April 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa pag-amin nina James at Issa sa relasyon: YASSI, dawit sa pamba-bash at hate comments ng mga netizens

MAKATUTULONG kaya o hindi ang pag-amin nina James Reid at Issa Pressman sa kanilang relasyon sa bagong teleserye ni Yassi Pressman sa TV5?

 

 

Pati kasi siya ay dawit sa bash at hate comments ng mga netizens na malamang, karamihan dito ay mga tagahanga ng dating magka-loveteam real and reel na sina Nadine Lustre at James.

 

 

Pinaniniwalaan kasi ng mga fan na inahas ni Issa si James kay Nadine. At ito ay sa kabila raw ng kaibigan ang turing ni Nadine sa magkapatid na Yassi at Issa.

 

 

 

Obviously, sagot ni Yassi ang kanyang Instagram post kahit walang direktang mga pangalan na tinukoy, nai-connect agad ito, lalo na ng mga netizens sa isyu.

 

 

 

Sabi lang ni Yassi, kung maka-judge raw ang iba at magli-limit na lang din daw siya ng pwedeng mag-comment sa IG niya.

 

 

 

“Smiling cause you don’t know anything about our personal relationships. Kung maka-judge!! Ang i-judge nyo na lang ay si Kuring at si Daphne mamaya ng 6pm sa Kurdapya- at ayan siguradong mas laughtrip pa!

 

 

 

“Sabi nga ni Kuring “peezawt mga tropapeeps peezawt

 

 

 

“Baka rin i-limit ko ang comments section kung may hurtful words, I only welcome positivity, love & kindness here, peezawart!”

 

 

 

Sinabihan naman si Yassi ng ilang fan na dedma na lang daw ito sa mga toxic at negativities.

 

***

 

MALAKAS na ang balita sa teleserye comeback ng DonBelle, ang isa sa pinakasikat na loveteam ngayon na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.

 

 

 

Wala pa rin detalye tungkol sa pagsasamahan nilang bagong teleserye, pero last December, kasama na sa omnibus trailer ng network at under Star Creatives.

 

 

 

Pero this time, ang mismong director na si Mae Cruz Alviar na ang nag-post sa kanyang Instagram account. Nag-post ito ng larawan niya kasama sina Donny at Belle. At may caption na, “Here we go!”

 

 

 

Siyempre, dahil sa IG post na ito, excited na lalo na ang mga DonBelle fans. At may pakiusap na agad ang ilan sa mga fan. Sey sa comment, “No toxic thirdwheel po sana direk! No thirdwheel extra skinship please po. A different conflict would be nice and fresh.”

 

 

 

Habang may nagpapasalamat naman at masaya na si Direk Mae raw kasi ang hahawak ng bagong proyekto ng dalawa. So ‘di malayong ang bagong teleserye nila ay ngayong summer.

 

(ROSE GARCIA)

Other News
  • 2 NAGKA-CARA Y CRUZ TIMBOG SA P10-K SHABU

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang lalaki nang maaktuhang nagka-cara y cruz at makuhanan pa ng higit sa P10,000 halag ng shabu sa Caloocan city.   Kinilala ang mga suspek na si Ike Ruiz, 57, jeepney driver at Roger Albino, 41, truck helper, kapwa ng Saremborao St., Dagat-Dagatan, Brgy. 8 na kakasuhan ng paglabag […]

  • Inaangkat na frozen meat posibleng magdala ng ASF, iba pang sakit

    POSIBLE  umanong makapagdala ng African Swine Fever (ASF) at iba pang sakit ang mga inaangkat na frozen meat sa bansa, ayon sa agriculture expert.     “’Yung disadvantage talaga is ‘yung sa food safety kasi we don’t know ‘yung sa source, specifically kung paano binuo ‘yung manok sa farm… (Sa imported frozen meat) depende ho […]

  • SHARON, nag-trending at willing na gumanap bilang Doctor Foster ng ‘Pinas

    ISA sa upcoming TV projects ng ABS-CBN ay ang local version ng Doctor Foster na mas sikat sa South Korean version na The World of the Married.     Bagamat wala pang announcement ang ABS-CBN kung sino ang mga artista who will play the important roles sa serye, suggestion ng mga fans ni Megastar Sharon […]