• December 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

2 NAGKA-CARA Y CRUZ TIMBOG SA P10-K SHABU

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang lalaki nang maaktuhang nagka-cara y cruz at makuhanan pa ng higit sa P10,000 halag ng shabu sa Caloocan city.

 

Kinilala ang mga suspek na si Ike Ruiz, 57, jeepney driver at Roger Albino, 41, truck helper, kapwa ng Saremborao St., Dagat-Dagatan, Brgy. 8 na kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at illegal gambling.

 

Alas-3:30 ng madaling araw nang respondehan nina P/Cpl. Jomel Salaysay at Pat. Jaypee Azucena ang natanggap na tawag mula sa concerned citizen hinggil sa pangakat ng mga kalalakihang nagsusugal at nambubulahaw sa mga natutulog na residente Saremborao St., Brgy. 8.

 

Pagdating sa lugar, naaktuhan ang mga suspek na nagka-cara y cruz subalit, nagpulasan ang mga ito sa magkahiwalay na direksyon kaya’t hinabol sila ng mga pulis hanggang sa makorner si Ruiz at Albino.

 

Nang kapkapan, nakuha kay Ruiz ang 0.8 gramo ng shabu na may halagang P5,440 habang 0.7 gramo naman ng shabu ang na nagkakahalaga ng P4,760 ang narekober kay Albino at nasamsam din ang tayang P300 at tatlong pangara. (Richard Mesa)

Other News
  • Valenzuela, magbibigay ng P600K pabuya para sa pagkaka-aresto sa pumatay sa kagawad

    MAGBIBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian ng PhP 600,000 na pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ng mga suspek sa pamamaril na ikinamatay ng isang barangay kagawad noong Hunyo 29, 2022 sa lungsod.       Kinilala ng Valenzuela City Police Station (VCPS) ang dalawang salarin na […]

  • Pagtiyak ng Comelec sa patas, malinis na halalan sa Pasig sinusugan

    SINUSUGAN ng pamilyang makakalaban ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang pagtiyak ng Commission on Elections para sa patas at malinis na halalan sa lungsod sa darating na midterm elections sa susunod na taon.   Sinabi ni Curlee Discaya, asawa ng kilala sa Pasig na Ate Sarah at makakatunggali ni Sotto, na hindi sila konektado […]

  • ‘Poblacion Girl,’ 8 pa kinasuhan na ng PNP

    Sinampahan na ng reklamo ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Makati Prosecutor’s Office ang tinaguriang “Poblacion Girl” na si Gwyneth Anne Chua at walong iba pa.     Kasong paglabag sa R.A. 11332 o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act ang isinampa kina Chua.   […]