Dahil sa pag-arte at pagi-gaming: ALDEN, natatakasan ang mga stress ng buhay
- Published on August 24, 2023
- by @peoplesbalita
PARA kay Alden Richards, ang acting o pag-arte sa harap ng kamera “is an escape” mula sa mga stress ng buhay.
Ano ba ang mga stress ni Alden sa kanyang buhay?
“Minsan kasi, of course tayo tao lang, dun nga po pumapasok yung, ‘Tao lang tayo,’ kahit gaano mo katagal i-shield yung sarili mo dito sa mga bagay na ‘to na present sa paligid, especially may it be you know, mga tao sa paligid mo na hindi ka gusto who creates false news about you.
“Na ayaw mong mag-react kasi… I never really react to these people because I know myself, I know the truth and I don’t really have to explain myself every now and then pag nagkakaroon po ng issues.
“Of course may family problems as well, andiyan din po yan and then yung different kinds of pressure.
“So dumarating po talaga sa point na nahahabol niya po ako nang sabay-sabay.
“And with acting kahit papaano every now and then, acting and gaming, natatakasan ko po sila.
“And then after a while, kasi minsan kapag nalulunod tayo sa problema hindi natin naiisip yung solusyon dun dahil masyadong malaki yung problema para makapag-isip tayo ng tama.
“So with the things that I love to do which is acting and gaming, at least nagkakaroon ako ng time off, nae-eject ko yung sarili ko dun then nakakapag-isip ako ng mga solusyon.
“Kasi of course andiyan ang prayers para tulungan tayo pero minsan po kasi may mga problema na hindi kayang ma-solve ng kahit sino sa paligid mo other than yourself.
“Ikaw ang tutulong, ikaw ang magso-solve.
“So iyon po yung mga life lessons ko po na natutunan dito sa industriya at sa pagtatrabaho ko po sa showbiz.”
Sa Sabado ay mapapanood ang pangatlo sa apat na MPK episodes ni Alden at ito ay ang “The Lost Boy” (sa direksyon ni Irene Villamor) kung saan gaganap si Alden bilang si Allan, isang lalaking napilitang sumapi sa isang grupo ng mga kriminal para mailigtas ang buhay ng kanyang magulang.
At ang pang-apat naman na ipapalabas sa August 26 ay may pamagat na “Sa Puso’t Isipan: The Andrew Cantillana Story” sa direksyon naman ni Gina Alajar.
Ang month-long special ng Magpakailanman ay napapanoood tuwing Sabado, 8:15 ng gabi sa GMA.
Naka-livestream din ito nang sabay sa official YouTube channel at website ng GMA Network.
***
MAY patutunguhang makabuluhang layunin ang kikitain sa pagre-revive ni Ronnie Liang ng kantang “Ngayon At Kailanman.”
“The proceeds of all my produced music, royalties & sales on all digital platforms worldwide will be donated to Ronnie Liang Project Ngiti Foundation.
“Ito ay para sa mga batang may lip & cleft palate, for them to have free surgery and operation,” pahayag ni Ronnie.
Ni-revive ni Ronnie ang classic song ni Basil Valdez na “Ngayon At Kailanman” dahil masugid siyang tagahanga ni Mr. Valdez na siyang orihinal na umawit ng naturang kanta.
“I am a fan of the original singer of the song, siyempre si Sir Basil Valdez and I usually sing this song at my shows and concerts.
“Matagal ko ng pangarap mai-record and magkaroon ng version of this classic OPM song.”
Kaya naman labis ang pasasalamat ni Ronnie nang mabigyan siya ng lisensiya at permiso na i-record at i-release ang naturang kanta.
“And I would like to thank the publishing company for the honor & privilege to be given the license and permit to record and release this song in all online music stores worldwide.”
Samantala, magkakaroon ng concert si Ronnie sa November 10 sa Grand Hyatt Manila sa Bonifacio Global City.
Isa itong concert for a cause for the benefit of Ronnie Liang Project Ngiti Foundation.
Ito ay handog ng Viva Live in partnership with The Rotary Club of Pasig Premier.
(ROMMEL L. GONZALES)
-
Saso trangka pa sa LPGA Tour of Japan
PUMUWESTO lang sa 11 magkakatabla sa ika-29 na puwesto si Yuka Saso sa 20th Golf 5 Ladies Pro Golf Tournament 2020 sa Gifu Prefecture Honshu nitong Linggo. Pero hindi lang iyon upang mamantine niya ang liderato sa Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour of Japan ranking dahil nagrasyahan pa rin ang 19-year-old Fil-Japanese […]
-
Suspensyon ng mga major sports events, pinaboran sa Kamara
SUPORTADO ng chairman ng House Committee on Youth and Sports Development ang desisyon na pansamantalang suspindihin ang ilang sports events kabilang na ang pagho-host ng Pilipinas sa 10th ASEAN Para Games (APG). Ayon kay Valenzuela City Rep. Eric Martinez, ito ay bilang pagtugon na rin sa naging advisory ng Department of Health (DOH) kaugnay […]
-
Pangako ni PBBM, susuportahan ang PCG modernization
SUSUPORTAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalawak at modernisasyon ng Philippine Coast Guard’s (PCG). Ito ang inihayag ni Pangulong Marcos sa pagdiriwang ng ika- 121 founding anniversary ng PCG sa Port Area, Manila. Hindi naman lingid sa kaalaman ng Pangulo na maraming mga bagong gampanin ang mga miyembro ng coast […]