• March 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DAHIL SA SELOS, LALAKI, KINATAY ANG LIVE-IN PARTNER

DAHIL sa selos at pagtangging muling magkabalikan, pinatay ang  isang 31-anyos na dalaga habang inoobserbahan ang kasama nito sa bahay  nang pagsasaksakin ng kanyang dating live-in partner saka rin ito nagsaksak sa sarili sa Imus City, Cavite Huwebes ng hapon,

 

 

Kinilala ang biktima na si Janna Harodin Jama ng Ramirez Compound Brgy. Buhay na Tubig, Imus City, Cavite  na namatay sa pinangyarihan ng insidente dahil sa tama ng saksak sa katawan habang kritikal naman ang kasamahan niya sa compound na si  Jovelyn Grama Lucero, nasa wastong edad.

 

 

Ginagamot naman sa ospital ang suspek na si Roger Sta Ana Pahayahay, 54, isang welder ng B6 Lt 47 Kasiglahan Village San Jose, Rodriguez, Rizal matapos na nagsaksak sa sarili.

 

 

Sa ulat ni PSMSgt Luis Divina ng Imus City Police Station, als-2:40 ng hapon nang pinuntahan ng suspek ang biktima na dati nitong live-in partner sa kanyang bahay sa Ramirez compound,  Buhay na Tubig, Imus City, Cavite at sinsuyo na magkabalikan ulit silla subalit  tumanggi na sumama ulit ang biktima sa kanya dahilan upang pagsasaksin ni Pahayahay si Jana.

 

 

Nauna pa man dito, habang nagtatalo ang dating mag-live in ay tinangka ni Jovelyn na mamagitan sa kanilang pag-aaway subalit maging siya man ay pinagsasaksak din ng suspek.

 

 

Nang nakitang kapwa duguan at  nakahandusay ang dalawa, tinangka naman ang suspek na magsaksak sa sarili.

 

 

Namatay noon din si Janna habang isinugod sa Las Piñas General Hospital and Satellite Trauma Center  si Jovelyn habang sa Ospital ng Imus isinugod ang  suspek.

 

 

Ayon kay Divina, sinusundo ng suspek ang dati nitong live-in partner at muli silang magsama subalit tumanggi ang biktima.

 

 

Nabatid pa na tatlong taon din na nagsama ang biktima at suspek at may isa silang anak subalit naghiwalay sila dahil nananakit umano ang suspek. May kinakasama na rin ang biktima. (GENE ADSUARA )

Other News
  • PDu30, ipinagpaliban ang Bangsamoro region polls sa 2025

    TININTAHAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang batas na magpapaliban sa May 2022 elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at gagawin sa May 2025.   Isang larawan ang makikita sa Bangsamoro Government’s official Facebook page kung saan nilalagdaan ng Pangulo ang nasabing batas.   “Under the law, the first parliamentary elections in […]

  • TESDA grads inayudahan ni Bong Go

    PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga nagtapos sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa Mindtech Training and Development Institute Inc. sa Pasig City noong Miyerkules, Mayo 8. Nakapagtapos ang mga nasabing iskolar na ito sa programa ng TESDA sa pamamagitan ng suporta ni Sen. Go. “The skills and knowledge you have […]

  • Tulak kalaboso sa P1 milyon shabu sa Caloocan

    MAHIGIT P1 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang umano’y tulak ng illegal na droga matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Lunes ng umaga.           Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Jessie Zozobradon alyas “Jess”, 32, […]