• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tulak kalaboso sa P1 milyon shabu sa Caloocan

MAHIGIT P1 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa isang umano’y tulak ng illegal na droga matapos matimbog sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Lunes ng umaga.
          Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang naarestong suspek bilang si Jessie Zozobradon alyas “Jess”, 32, (watchlisted) ng Brgy. 174 ng lungsod.
          Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) District Director PBGEN Ponce Rogelio Peñones Jr, sinabi ni Col. Lacuesta na dakong alas-7:20 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Major Dennis Odtuhan, kasama ang 3rd MFC RMFB-NCRPO ng buy bust operation sa Captain Rico St., corner Tulip St., Barangay 174, Camarin.
          Isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa suspek ng P37,500 halaga ng droga sa suspek at nang tanggpin nito at marked money mula sa police poseur-buyer kapalit ng umano’y shabu ay agad siyang sinunggaban ng mga operatiba.
          Nakumpiska sa suspek ang humigi’t kumulang 150 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P1,020,000.00; at buy bust money na isang tunay na P500 bill at 37 pirasong P1,000 boodle money.
          Pinuri naman ni Peñones ang patuloy na pagsisikap ng Caloocan City Police para sa kanilang walang humpay na kampanya kontra sa ilegal na droga na nagresulta sa pagkakaaresto sa umano’y notoryus na tulak ng droga.
Kakasuhan ng pulisya ng paglabag sa Section 5 (Sale), Section 11 (Illegal Possession of Dangerous Drug), Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2022) ang suspek sa Caloocan City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)
Other News
  • 50K pupil sa Grade 1-3 sa NCR, hirap magbasa- DepEd

    AABOT sa 50,000 estudyante mula Grade 1 hanggang 3 sa National Capital Region (NCR ) ang hirap makabasa, base sa isang assessment na isinagawa ng Department of Education sa rehiyon.     Base sa survey na iprinisinta kahapon ng DepEd-NCR, sa higit 384,000 learners mula Grade 1 hanggang 3 na dumaan sa comprehensive rapid literacy […]

  • DA, magkakaloob ng P5M pautang sa bawat meat vendor association ngayong panahon ng krisis

    NAKAHANDA ang Department of Agriculture na magkaloob ng P5 milyong pisong halaga ng loan para sa mga meat vendors association .   Sinabi ni DA Sec. William Dar, na layon nitong matulungan ang mga tindera ng baboy na magkaroon ng sapat na kapital ngayong panahon ng krisis.   Aniya, magsisilbing zero interest ang pautang na […]

  • DSWD, nagpasaklolo sa LGUs para sa potensiyal na livelihood program beneficiaries

    HUMINGI na  ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa local government units (LGUs) para sa assessment ng mga benepisaryo ng  Sustainable Livelihood Program (SLP). Dumagsa kasi ang mga tao sa DSWD field office sa Maynila, araw ng Biyernes, Enero 13 sa Pag-asa na makakakuha ng cash aid. “The LGUs will now […]