• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa sunod-sunod na bagyo: Pinas, aangkat ng 4.5-M tonelada ng bigas dahil sa pinsala sa agrikultura

SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na aangkat ang Pilipinas ng 4.5 milyong tonelada ng bigas matapos ang pinsalang natamo ng sektor ng agrikultura dahil sa sunod-sunod na bigwas ng bagyo na tumama sa bansa.

 

 

Ang pag-angkat ng bigas ay sapat para sa pangangailangan ng mga Filipino.

 

Sinabi ito ng Pangulo sa isang ambush interview matapos ang situation briefing ukol sa Bagyong Pepito.

 

 

Tinanong kasi ang Pangulo kung ang pinsala sa agrikultura sanhi ng mga bagyo sa nakalipas na tatlong linggo ay magreresulta ng rice importation, at ang tugon nito ay “Yes.”

 

“Yes, I think so. Unfortunately. I just received a report from DA [Department of Agriculture] that it looks like our importation will decrease,” ang sinabi ng Pangulo.

 

“We will import close to four and a half million tons. Nag 3.9 million tayo last year [ We reached 3.9 million last year],“ aniya pa rin.

 

Sa kabilang dako, tiniyak naman ng Chief Executive na ang ‘food security’ ng Pilipinas ay nananatiling maayos.

 

“In terms of food security, we’re alright, but a lot of rice fields and crops have been damaged. We will just have to compensate for that,”ang sinabi ng Punong Ehekutibo.
( Daris Jose)

Other News
  • Garrett, handog sa mga fans ang isang madamdaming awitin

    ISANG madamdaming regalo ang handog ng Kapuso Soul Balladeer na si Garrett Bolden para sa kaniyang fans sa pagpasok ng Bagong Taon – ang kaniyang original composition under GMA Music na pinamagatang “Our Love.”   Pagbabahagi ng The Clash alumnus, espesyal ang awit na ito dahil naaalala niya rito ang yumaong ama.   “As I […]

  • Pagtapyas sa pondo ng DepEd sa 2025 national budget, ikinalungkot ni Angara

    IKINALUNGKOT ni Department of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara ang pagtapyas sa pondo ng departamento mula sa pinal na bersyon ng 2025 budget na inaprubahan ng Bicameral Conference Committee.       Nakalulungkot aniya na ang malaking bulto ng tinapyas na budget, nagkakahalaga ng P10 bilyon ay nakalaan pa naman sa computerization program ng DepEd. […]

  • Brgy Poblacion, Pulilan, iniuwi ang dalawang pangunahing parangal sa Ika-20 Gawad Galing Barangay

    LUNGSOD NG MALOLOS– Wagi ang “Poblacion, Pagbangon, at Paghilom” ng Barangay Poblacion, Pulilan bilang isa sa limang parangal na Natatanging Gawaing Pambarangay, habang nanaig ang kanilang Kapitan Ryan P. Espiritu bilang Natatanging Punong Barangay sa ginanap na Ika-20 Gawad Galing Barangay sa Gitna ng Pandemya Awarding Ceremonies na ginanap online ngayong araw.       Kinilala rin […]